Sarah Geronimo reveals reason for deactivating social media accounts

IMAGE Noel Orsal

Sarah Geronimo on deactivating her social media accounts: "I took a short break para mag-refresh—to get ready for one of the biggest events in my life."


Noong April 3 ay inanunsiyo ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo na "time off" muna siya sa kanyang social media.

Naging palaisipan ito sa kanyang mga tagahanga at followers sa Instagram, Twitter, at Facebook.

Maraming nagsasabing marahil ito ay upang mapaghandaan nang husto ni Sarah ang nalalapit niyang anniversary concert, ang This I5 Me, na gaganapin sa Araneta Coliseum sa April 14.

Kahapon, April 7, muling nabuhayan ng loob ang mga tagahanga ng 29-year-old singer-actress nang ianunsiyo niya sa Twitter ang dahilan ng pag-deactivate ng kanyang social media accounts.

Na-refresh daw siya sa ilang araw na hindi pagiging aktibo sa social media.

Saad ni Sarah, "Sa lahat ng curious sa pagkawala ko these past few days, eto na po...

"I took a short break para mag-refresh—to get ready for one of the biggest events in my life.

“Talaga pong demanding sa oras at energy etong paghahanda ko sa concert.

"Pinakamalaking challenge ito sa career ko so I have to give it my all para sa lahat ng taong sumusuporta sa akin at naging parte ng buhay ko."

Patuloy niya, “Alam ko hindi ko ito kaya mag-isa.

"Kinakailangan ko po ng oras para makasama ang mga taong tulad ko na nagpupursigi para maging successful ang concert na ito.

“Iba po ang nagagawa pag personal mo silang nakakasama at nakikilala at syempre ibang level of confidence din ang makikita niyo.

“We dedicate all these hard work sa lahat ng pamilya namin, sa mga taong malalapit at naging malapit sa amin, sa lahat ng mga taong naniniwala sa amin sa simula ng career ko, at syempre sa inyong lahat.

“I feel refreshed now. Ready na ba kayo? See you soon!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN