Christian Bautista to marry fianceé Kat Ramnani at the end of the year

IMAGE Arniel Serato / Courtesy: @xtianbautista on Instagram

Christian Bautista confirmed that he will wed his non-showbiz fianceé Kat Ramnani at the end of 2018. However, he refused to give more information since they are still finalizing all pertinent details.

 


Maaring sa December 2018 na ang kasal nina Christian Bautista, 36, at ng kanyang non-showbiz fianceé na si Kat Ramnani, 33.

Color everywhere ???? w/ @katramnani @converseph @swatch_ph

A post shared by christian bautista (@xtianbautista) on

Maikling kuwento ng Asia’s Romantic Balladeer, “Basta, di ko pa masabi [yung specific date] pero end of the year, end of the year.

“Sasabihin ko. Ia-announce namin.”

Nasa gitna pa raw sila ng pag-aasikaso sa lahat ng detalye sa kanilang kasal, kaya hindi pa raw talaga siya makapagbigay ng iba pang detalye tungkol dito.

Biro pa niya, “Inaayos pa, inaayos pa, kasi pag na-reveal, sira na lahat.”

May usap-usapang may dalawang kasalan daw ang magaganap ngunit wala pang makapag-kumpirma dito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian sa media conference ng 3 Stars, 1 Heart concert noong nakaraang Huwebes, April 5.

Ang second leg ng concert ay gaganapin sa CSI Stadia sa Dagupan sa darating na April 14.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN