Jane Oineza denies leaving ABS-CBN for rival network

IMAGE Courtesy of Jane Oineza on Instagram

Jane Oineza denies leaving ABS-CBN: "I already said no to that question before and they still guess the same thing."


Lilipat nga ba sa GMA-7 ang Star Magic talent na si Jane Oineza?

Ito ang ilan sa mga katanungan ng kanyang mga Twitter followers nang bigla itong mag-tweet nitong nakaraang Sabado, April 7, tungkol sa "change" na kanyang inaabangan sa darating na Lunes, April 9.

Tweet ni Jane, "Change starts on Monday... excited and nervous.. but blessed ??"

Marami sa kanyang followers ang nabitin sa tweet na ito ng 21-year-old Kapamilya talent.

Hula ng ilan, isa si Jane sa mga papasok na bagong karakter sa Kapamilya prime time series na Bagani.

Samantala, hula naman ng ibang fans nito na baka maging Kapuso na si Jane sa mga susunod na araw.

Agad namang napansin ng Star Magic talent ang mga tweets na ito at sa kanyang sumunod na post, natatawang itinaggi ni Jane na lilipat siya ng network.

Aniya, "Hahahahahahaha the other guesses though ???????????? I already said no to that question before and they still guess the same thing."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN