Derek Ramsay bids goodbye to TV5 after six years

IMAGE Instagram (@ramsayderek07)

Derek Ramsay (left) bids goodbye to Kapatid Network after six years. (Left photo) The actor in a photo-op with TV5 President and Chief Executive Officer Chot Reyes and the actor's manager, Joji Dingcong. 


Nagpaalam na si Derek Ramsay sa TV5, ang kanyang home network sa loob ng anim na taon.

Nag-post ng pasasalamat ang 41-anyos na aktor sa management ng TV5 sa pamamagitan ng Instagram post.

“Thank you TV5 for 6 great years. Thank you for trusting and believing in me,” simula ng aktor sa caption ng kanyang post.

“The projects and memories here will always be cherished.

"You always made me feel that i am truly family.

"Wishing you all the best in your new direction for the network.

“Kidlat signing out for now. Love you all,” pagtatapos ng post ni Derek.

Ang Kidlat ay ang eponymous superhero role na ginampanan ni Derek sa TV5 noong 2013.

Nag-hashtag din ang aktor ng mga proyektong ginawa niya sa Kapatid network.

Kabilang pa sa mga ito ay ang Amazing Race (2012), Undercover (2013), Mac & Chiz (2015), For Love Or Money (2013), at Extreme Series: Kaya Mo Ba ‘To?

Pumirma ng kontrata ang actor-host sa TV5 noong 2012 matapos ng halos pitong taon sa ABS-CBN.


Stories We Are Tracking

<strong>(UPDATED)</strong> Derek Ramsay is now a certified Kapatid; signs three-year exclusive contract with TV5
(UPDATED) Derek Ramsay is now a certified Kapatid; signs three-year exclusive contract with TV5
<p>Derek Ramsay renews contract with TV5</p>

Derek Ramsay renews contract with TV5


Per project basis ngayon si Derek at gumagawa ngayon ng pelikula kasama ang Kapamilya stars nan sina Bea Alonzo at Paulo Avelino.

Isa si Derek sa mga dating Kapamilya stars na lumipat sa TV5, kagaya rin nina Sharon Cuneta, Willie Revillame, Mariel Rodriguez, at Aga Muhlach.

Bumalik si Sharon sa ABS-CBN noong 2015 at sumunod si Aga ng sumunod na taon, habang si Willie naman ay nasa Kapuso Network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN