Netizens puzzled why Sharon Cuneta did not post birthday greeting for KC Concepcion

IMAGE Instagram

KC Concepcion, who celebrated her 33rd birthday last April, got a greeting from sister Frankie Pangilinan and dad Gabby Concepcion. Netizens are asking why her mom Sharon Cuneta did not post a birthday greeting for her. 


Nagdiwang si KC Concepcion ng kanyang 33rd birthday noong April 7, Sabado.

Kabilang sa mga bumati sa kanya, sa pamamagitan ng social media, ay ang half-sister niyang si Frankie Pangilinan at ang amang si Gabby Concepcion.

Si Frankie ang panganay sa tatlong anak ni Sharon sa asawa nitong si Senator Kiko Pangilinan. Ang dalawa pa ay sina Miel at Miguel.

Sabi ni Frankie sa mensahe niya para sa kanyang ate, “You’re my favorite ate, like, ever

"here’s to more ‘kidnap me please’, and me kind of trying to give you advice even if i have 0 life experience HAHA.

“Thank you for always looking out for me! we can both cry together now that we realize miel is taller than us na HAGAHSG.

“But i love love love you forever, and i’m so proud of you for all your endeavors and your hard work at them, you inspire me everyday happy birthday!!”

Sagot naman ni KC, “Best birthday message hahah to more escapades together. ILY kaks!!!!”


Bumati rin ang ama ni KC na si Gabby via comment sa Instagram.

Mensahe ng dating matinee idol para sa anak, “Happy Birthday my baby. Enjoy your stay there.”


Ipinagdiwang ni KC ang kanyang kaaarawan sa pamamagitan ng isang beach trip sa Siargao.

Kasama ng actress-TV host ang half-sister na si Garie Concepcion, anak ni Gabby kay Grace Ibuna.

Naroon din ang non-showbiz friends ni KC.

NO GREETING FROM SHARON? Samantala, may ilang netizens ang nakapansin na tila walang birthday greeting sa social media ang ina ni KC na si Sharon.

May pumansin din sa isang post ni Sharon kamakailan kung saan binanggit niya ang tatlong anak kay Kiko, pero hindi nabanggit si KC dahil hindi raw ito nakatira sa kanila.

May nag-ungkat din sa hindi pagsipot ng Megastar sa launching ng jewelry line ni KC kamakailan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW







Stories We Are Tracking

Sharon says Kiko has kept his promise to love her forever
Sharon says Kiko has kept his promise to love her forever
Sharon Cuneta meets President Duterte at private dinner
Sharon Cuneta meets President Duterte at private dinner

Ipinaliwanag naman ni Sharon na ayaw niyang kunin ang spotlight kay KC sa launch ng business nito at dahil may prior commitment na siya.


Stories We Are Tracking

Sharon explains absence at KC's jewelry line launch
Sharon explains absence at KC's jewelry line launch

Depensa naman ng iba, posibleng personal na binati ni Sharon ang anak at hindi na idinaan sa social media.

May mga nagsabi ring huwag mag-assume dahil may pribadong buhay ang mag-ina na hindi kailangang ipaalam lahat sa publiko.

 



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN