Dennis Padilla admits being disappointed with Joshua Garcia

IMAGE Screenshot / Noel Orsal

Disappointed daw si Dennis Padilla kay Joshua Garcia dahil sa nabalitaan niya tungkol dito. Si Joshua ang nobyo ng anak ni Dennis na si Julia Barretto. 


Napanood ng ama ni Julia Barretto na si Dennis Padilla ang panayam ni Joshua Garcia sa Tonight With Boy Abunda, nitong Miyerkules, April 10.

Sa nasabing interview, inamin ng The Good Son star na nagkaroon sila ng misunderstanding ng rumored girlfriend na si Julia.

Pero naayos naman daw nila ang problema.


Stories We Are Tracking

Female netizen clarifies private message from Joshua Garcia
Female netizen clarifies private message from Joshua Garcia

Kuwento ni Dennis, sa dinner nila ng anak na si Julia noong Holy Wednesday, March 28, kinumusta raw niya sa anak si Joshua.

Wala raw siyang alam sa isyu, pero may mga nakarating na raw sa kanyang balita.

Marahil, ang tinutukoy ni Dennis ay ang diumamo’y nauugnay na isang female netizen kay Joshua.

Saad ni Dennis sa video na in-upload ng Pilipino Star Ngayon entertainment editor na si Salve Asis sa Facebook ngayong Miyerkules ng hapon, April 11, “Wala akong alam, e, kaya gusto kong magtanong, ‘O, ano, nagkikita pa ba kayo ni Joshua?’

“Diretso na tinanong ko kaagad.

"'Tapos sabi niya, ‘Oo naman, Pa, kaya lang busy ako sa work, busy rin siya sa taping.’

“'A, oo nga, kasi may teleserye rin siya.’

“So I felt na she doesn’t want to discuss, so pinutol ko na lang din out of respect.

"Tsaka adult na 'yang mga yun, e."

Si Julia ay 21, habang si Joshua naman ay 20.

Sa pictiorial daw nila para sa comedy show na Funny Ka, Pare Ko, nakumpirma raw ni Dennis na may pinagdadaanan ang anak at ang nobyo nito.

Lahad ng komedyante, “Pero nung pictorial namin para sa show na ito, medyo iba na yung narinig, kaya na-confirm ko yung alam ko.

"Yung alam ko, totoo pala na nagkaroon ng problema.

“[Pero] hindi pa kami nag-usap ni Julia mula noong Holy Wednesday.”

WARNING TO JOSHUA. Kasunod nito, ibinahagi ni Dennis ang naging paalala niya noon kay Joshua.

Detalye niya, “Naalala ko yung sinabi ni Joshua, di ko lang alam kung Valentine’s episode ng Magandang Buhay...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung ni-replay yung interview ko, di ba, meron akong sa previous guesting sa Magandang Buhay, and then andiyan si Joshua at saka si Julia...

"Yung interview sa Magandang Buhay nina Joshua at Julia, ni-replay yung interview ko regarding him.

“Ang sabi ko dun sa portion, nung interview ko na, ‘Basta huwag mo lang lolokohin yung anak ko, huwag mong sasaktan yung anak ko.

"'Nakakatawa naman ako, e. Kaya lang, nagiging action star naman ako if you do otherwise.'

“During the live portion, natuwa naman ako dun sa sagot niya na, ‘Tito Dennis, hindi ka magiging action star.’

“Yun lang ang message ko kay Joshua: 'Siguraduhin mo, Joshua, na hindi ako magiging action star kasi anak ko ‘yan. Alam mo yun.”

Pakiusap din niya kay Joshua, kung may problema sila ni Julia ay dapat kausapin siya nito bilang ama ng aktres.

Saad niya, “And may pinag-usapan tayo. Last year, June, nag-usap tayo, Father’s Day yun, hindi ko makakalimutan.

“Nag-usap tayong dalawa. So, lalaki ka, lalaki ako...

"So, kung magkakaroon ng problema, e, kausapin mo din ako kasi nag-usap tayo, e, di ba?

“Kasi iba yung nag-uusap nang personal kaysa dun sa nababalitaan mo lang yung kuwento.

“E, siyempre ayoko namang gawing basis yung kuwento.”

DISAPPOINTED. Na-disappoint ba siya kay Joshua?

Tugon ni Dennis, “Oo naman, siyempre anak mo [Julia] 'yan, e, di ba?

“Anyway, kung ano man ‘yang problema niyo, dahil matatanda na naman kayo, puro na kayo adult, alam niyo na yung dapat niyong gawin.

“And kay Julia, pagka alam mo nang hindi ka na masaya, umalis ka na diyan.

“Ngayon, kung hindi ka na masaya, maintain lang naman ‘yan, e.

“Kapag masyado nang mainit sa kusina, anong gagawin mo, lumabas ka dun sa kusina. Mainit, e.

“Pero kung kaya mo pa yung init sa kusina, at masaya ka pa sa kusina na yun, stay within.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN