Ruru Madrid agrees to temporary closure of Boracay

IMAGE Ruru Madrid Instagram

Ikinalulungkot man daw ng Kapuso actor na si Ruru Madrid ang napipintong pagsasara ng isla ng Boracay sa loob ng anim na buwan, naiintindihan niya kung bakit kailangan itong gawin.


Ikinalulungkot man ni Ruru Madrid ang napipintong pagsasara ng isla ng Boracay sa loob ng anim na buwan, naiintindihan niya kung bakit kailangan itong gawin.

Saad ng Kapuso actor, “Nakakalungkot din po, pero kung makakatulong naman po iyon sa lugar na iyon, kumbaga, kailangan din talagang ma-preserve, e.

“Kasi siyempre, iba yung ganda niya, e!

“Kumbaga… nung first time na pumunta ako sa Boracay, kahit po sobrang crowded, makikita mo pa rin yung ganda ng Boracay.

“Sobrang ganda po talaga, makikita mo talaga.

“White beach… kasi bihira nang makakakita ng ganun ngayon, di ba?

“So, kailangan pong maalagaan.”

I miss you Boracay

A post shared by RURU MADRID (@rurumadrid8) on

Patuloy niya, “So, kung ginagawa naman po nila yun para sa ikagaganda naman ng Boracay, bakit hindi po?

“Kumbaga, kahit nga po mas matagal, basta mapaganda lang.

“Pero siyempre, hindi rin natin maiintindihan yung pakiramdam ng mga may business dun, tsaka yung mga nagtatrabaho dun.

“Pero sabi ko lang, ewan ko, sa akin lang, kung kunyari may isa akong pag-aari dun na negosyo, sabi ko, kung para naman sa ikatatagal pa ng lugar na yun, bakit hindi natin gawin?

“Kumbaga, maikling panahon lang naman yung isa-sacrifice natin.

“Kesa mamaya pag hindi natin naagapan agad ‘yan, baka wala nang mangyari.”

BORACAY IN HIS MIND. Maituturing na beach person si Ruru.

Kamakailan ay nagbakasyon pa nga siya sa Boracay kasama ang kanyang mga pinsan at kaibigan.

Pinakamagandang memory raw ni Ruru sa Boracay ay noong unang punta niya roon kasama ang kanyang buong pamilya two years ago.

Sa halip na mag-hotel ay nagrenta sila ng isang buong bahay at sila-sila ang namalengke at nagluto ng pagkain nila.

Lahat daw sila sa pamilya ay mahusay magluto.

Dagdag pa ni Ruru, “Kung hindi lang magsasara ang Boracay, dapat po pupunta ako ngayong summer.”

Sa halip ay sa Siargao na pupunta si Ruru para sa kanyang summer adventure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN