Rodjun Cruz and Dianne Medina support JanVer

IMAGE Instagram photo of Rayver Cruz (left)/Nerisa Almo (right)

"Happy ako sa kung anong meron sila and nirerespeto kung anuman yung... Nirerespeto ko yung kasiyahan nila," Rodjun Cruz about his brother Rayver Cruz's closeness to Janine Gutierrez.


Parehong supportive ang engaged couple na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina sa pagkakamabutihan ng nakababatang kapatid ng una na si Rayver Cruz at ni Janine Gutierrez.

Sa katunayan, nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang magkasintahan tungkol sa JanVer, ang tawag ng fans kina Janine at Rayver, pareho silang napangiti.

“Fan ako ng JanVer,” excited na sinabi ni Dianne sa PEP.ph.

“Fan talaga ako nina Rayver and Janine, they look good together.

“I love Janine, napakabait. Ang bait din ni Rayver, so bagay sila.

“Gusto ko sila together, sobrang bagay sila. If given the chance na maging sila, happy ako.”

Halos ganito rin ang pahayag ni Rodjun, na nakatrabaho ni Janine sa teleseryeng Legally Blind.

“Ako, siyempre, sobrang happy ako. Nakasama ko si Janine sa isang show kaya alam kong sobrang bait. Si Rayver din sobrang bait.

“Happy ako sa kung anong meron sila, and nirerespeto kung anuman yung... Nirerespeto ko yung kasiyahan nila.”

Kahit mas nakatatanda siya kay Rayver, hindi naman daw niya kinukulit ang kapatid pagdating sa closeness nito sa Kapuso actress.

“Hindi ako yung makulit na nagtatanong na, 'O, kumusta? Kayo na ba?'

“Nirerespeto ko sila. Kung anuman yung meron sila, dapat i-enjoy lang nila 'yon.”

Kung sakali, sabi ni Rodjun, “Kapag mahal naman nila ang bawat isa, kayo na rin mismo ang magse-share sa lahat nung pag-ibig niyo sa bawat isa.”

Sa huli, masaya namang hiling ni Dianne, “Sana maging sila na.”


Stories We Are Tracking

Rayver Cruz and Janine Gutierrez don't want pressure
Rayver Cruz and Janine Gutierrez don't want pressure
Janine Gutierrez sees Rayver Cruz as a supportive partner
Janine Gutierrez sees Rayver Cruz as a supportive partner
Rayver on real score with Janine:
Rayver on real score with Janine: "Nanliligaw pa rin ako."

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN