Chito Miranda on being a gun owner: "It is for my family's protection, and mine."

IMAGE Instagram (@chitomirandajr)

Chito Miranda says he collects firearms for his shooting hobby and also for the protection of his family.


Nag-post sa social media ang musician na si Chito Miranda tungkol sa kanyang pagiging gun onwer at kung bakit mahalaga para sa kanya ang pagkakaroon ng baril.  

Sa kanyang Instagram noong Biyernes, April 13, nag-post ang Parokya Ni Edgar vocalist ng collection niya ng 9mm guns.

Hobby ito ng musikero na marami ring posts tungkol sa firearms.

Pero paglilinaw ni Chito, “I am a peaceful and responsible law-abiding gun owner.

“Pls understand, na kahit trip ko yung mga pelikula ni John Wick at Jackie Chan, that I am against any form of violence, maliban siguro sa MMA at WWE hehe!

“I don't go around looking for trouble kahit na gun owner ako.

"Di rin ako nakikipag-away sa kalye kahit gitgitin pa ako ng mayabang na motorista na wala sa lugar."

Dahilan niya sa pagkakaroon ng firearms: “Hobby ko lang mangolekta ng mga baril and I shoot for fun...but it is also for my family's protection, and mine, as well.

“Kasi para sa akin, it is better to have a gun and not need it, than to need a gun, and not have one.

“Parang fire extinguisher lang yan. Mabuti nang meron kahit may malapit na fire station.”

Bandang dulo ng post ni Chito, binanggit niya ang pagkakaroon ng gun ban.

“GunBan na ulit! Fiesta na naman ang mga kriminal kasi bawal na naman magdala ng baril ang mga lawful citizens!”

Si vis pacem, para bellum. Wag nyo intindihin yun nakasulat na yan. It's just the Latin phrase kung san galing yung term na ginamit para sa 9mm. Nilagay ko lang sa caption para kunyari intellectual ako. Pls understand, na kahit trip ko yung mga pelikula ni John Wick at Jackie Chan, that I am against any form of violence, maliban siguro sa MMA at WWE hehe! I don't go around looking for trouble kahit na gun owner ako. Di rin ako nakikipag-away sa kalye kahit gitgitin pa ako ng mayabang na motorista na wala sa lugar. I am a peaceful and responsible law-abiding gun owner. Hobby ko lang mangolekta ng mga baril and I shoot for fun...but it is also for my family's protection, and mine, as well. Kasi para sa akin, it is better to have a gun and not need it, than to need a gun, and not have one. Parang fire extinguisher lang yan. Mabuti nang meron kahit may malapit na fire station. My 9mm collection. CZ 75 SP-01 Shadow My fun gun. Super smooth ng trigger at sobrang dali itama. Gamit ko for plinking. Rock Island Armory Mid-Size Tac Ultra M1911 Lasermax Spartan Laser Light Unang Armscor, unang commander size, at unang 9mm 1911 ko. Sobrang sarap gamitin sa range. Gawang Pinoy. 3rd Gen Glock19 Austria SureFire XC1 Talon Grips If I had just 1 gun, it would be a Glock19. Para sa akin, it is the perfect all-around gun. Austria syempre kasi maarte ako hehe gusto ko original yung markings ng collection ko. Glock43 USA Taran Tactical +1 Base Pad My EDC gun. Sobrang handy. USA lang gamit ko for carry kasi mura pero as reliable din naman as an Austrian Glock. And since mas affordable, ok lang magasgas at isurrender if ever magamit ko for self-defense. Just to be clear, these are not for sale po. Gusto ko lang i-share sa mga mahilig din sa firearms. PS GunBan na ulit! Fiesta na naman ang mga kriminal kasi bawal na naman magdala ng baril ang mga lawful citizens! Dagdag ingat lang po :)

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr) on

Inanunsiyo ng Philippine National Police o PNP noong April 13, Biyernes, ang implementasyon ng gun ban simula April 14 dahil sa pagsisimula ng barangay at Sangguniang Kabataan election season.

Layon ng gun ban na masupil ang election-related violence.

Magtatapos ang gun ban sa May 21, o dalawang linggo pagkatapos ng May 14 barangay elections.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN