Janella Salvador skips fans' birthday treat for her due to heatstroke; some fans disappointed

IMAGE Janella Salvador Instagram

Janella Salvador on not attending the birthday treat her fans prepared for her: "I hope you TRULY understand that I really am not feeling well today due to an episode of heatstroke and I I could go, I would."


Tinamaan ng heatstroke ang Kapamilya young actress na si Janella Salvador nitong nakaraang weekend.

Ito ang dahilan kaya hindi nito nadaluhan ang dapat sana’y birthday treat para sa kanya ng fans.

Sa pamamagitan ng Twitter kahapon, April 15, humingi ng paumanhin si Janella sa kanyang fans.

Aniya, “I am truly sorry to all of @TitasOfElnella for not being able to go to the birthday surprise today.  

“Believe me, I was just as excited as you all are and I really wanted to force myself to still go but I’m not in good enough shape to do so.”

FANS' COMMENTS. Dahil dito, ilang fans ni Janella ang nagtampo sa kanilang idolo.

Inakusahan pa ng isang netizen ang 20-year-old actress-singer na "nagdadahilan" lang diumano.

Ayon kay @observe_always, “Nice one @superjanella. You made your JamNella fans happy by not attending that party. 

“At least now marunong ka nang pumili ng action. Go gurl!!

“Kesa naman sa nagdadahilan ka ng anu-ano pa, why don’t you tell them the truth?

"That u cannot attend any EN related activity because you have a movie with other leading man.

"Na susubukan nyo muna ang JamNella team up baka sakali bumenta sa tao.

“Wag mag-alala mga Elnellas, paglabas ng new album nya may date na ang concert nya babawi sya sa inyo. Sympre, para I sold out ninyo.

“Elnellas, be ready expect more of this.”

Ang tinutukoy ng netizen na “other leading man” ay si Jameson Blake, na kapareha ni Janella sa isang upcoming Regal movie.

Nabasa ni Janella ang nasabing komento at sinabing nasaktan siya sa akusasyon sa kanya.

Pahayag ng Kapamilya star, “And I’ll be very honest here, some of your tweets are actually quite hurtful.

“I know your angst against some things that didn’t go to the way you want them to but you don’t have to assume worst.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Please do think before you tweet. Things are not always what they seem."

Sumagot naman ang isa pang follower ni Janella, na nagsabing dapat maintindihan ng young actress ang nararamdaman ng kanyang fans sa hindi niya pagdalo sa birthday threat.

Ayon kay @piqtails, “For what’s happening right now, for all the things the fans put up to, wasted efforts and all, u really can’t blame them if they get disappointed. 

“Bcos for them u are not just their idol, u are family. But, they’re trying to understand you. They’re just disappointed. Love u tho.”

Sinundan ito ng isa pang follower na nagsasabing intindihan na lang ni Janella ang sentimiyento ng iba niyang mga tagahanga.

Pahayag ni @bruce_black0195, “Breath na lang. It is understandable for some fans to get frustrated/disappointed coz it is not easy to do all preps, scheds, resources and etc, na naexert for d party to be possible pero there are circumstances like health issues that can’t compromise.”

Ipinagtanggol naman ni @Supersydneyyyy si Janella.

Aniya, “Heat stroke is so sudden, Sana wag nyong isipin na nagsisinungaling si jea for the sake of her new movie. Health comes first so sana guys should understand it.”

BIRTHDAY PARTY. Noong March 30 ang talagang kaarawan ni Janella na idinaos niya sa Los Angeles, California kasama ang rumored boyfriend at loveteam partner niyang si Elmo Magalona.

Kahapon, April 15, nag-organize ng isang party ang kanyang fans dito sa Pilipinas para makasama at maipagdiwang ang kaarawan nito.

Sa kanyang sumunod na tweet, itinanggi ni Janella ang akusasyong isa siyang "promo puppet."

Mensahe ni Janella, “Now, I hope you TRULY understand that I really am not feeling well today due to an episode of heatstroke and I I could go, I would.

"I’m not the promo puppet you guys are painting on me to be. I will stand up for myself if I have to. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Anyways, enjoy today,

"I still love you all."

Sinagot din ni Janella ang isang fan na nagtanong tungkol sa heatstroke na pinagdaanan niya.

“A heatstroke is sudden.  That’s why it’s called a heatstroke,” aniya.

Sagot naman ni Q @elnellafangirl, “Ok baby girl, point taken. I’m sorry if I’m being emotional rin.

"Tao lang nasasaktan. Hamak na fan lang. Ikaw rin tao lang, kaya sorry.

"Dito mo pa talaga ako napansin sa dinamirami ng tweets ko sayo nag-effort pa ko ng bday countdown.

"Hays, I still love you. I do, nagtatampo lang."

Ayon naman sa isang follower, pumunta pa si Janella sa ospital para magpakonsulta.

@itsmerouna: “I saw her sa cardinal santos (hospital) with ms. Abie and she look pale, and her eyes are looks that she’s not in good condition.

"So, pls avoid giving comment below the belt, yes nakakasad hindi sya nakapunta sa party nila ni elmo pero kung wala namang health problem for sure pupunta sya.”

Sinagot ni @itsmerouna ang mga tanong ng ibang netizens kaugnay sa pagpunta ni Janella sa ospital.

“Asa (nasa emergency room) kami nun..actually it was a chair away to them, if I’m not mistaken ung isang girl ask janella this, WHAT, I CALL HIM NA and janella umiling and say don’t hes…hindi ko na narinig cause we’re busy that time din e.”

Marami ring fans ni Janella ang umunawa sa kanyang kalagayan. 

Nagtanggol din ang mga ito sa ibang bashers ng young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN