Karla Estrada defends daughter against K-Pop fans over EXO concert ticket

IMAGE Instagram (@karlaestrada1121)

Some K-Pop fans accuse Karla Estrada's daughter Magui of using her "privileges" to score ticket and backstage pass for EXO concert.


Ipinagtanggol ni Karla Estrada ang kanyang anak na si Magui laban sa ilang K-Pop fans.

Ito ay pagkatapos akusahan si Magui na gumamit diumano ng kanyang “privileges” para mabilis makabili ng ticket para sa concert ng popular Korean all-male group na EXO sa MOA Arena sa April 28.

Tweet ni Karla noong April 13: “Lahat tayo, kasama ang anak kong Si magui, ay may karapatan maging fan.

"If you are bashing your own idol, yun ang fake fan.

"Wala tayong KARAPATAN para pigilan ang isang Tao para maging follower ng Korean stars. AS IN WALA.

"#wagmakitid #wagmadamotsadimopagaari”

Sa sagutan ng tweets, lumalabas na hindi nagustuhan ng ibang K-Pop fans ang pagtu-tweet ng anak ni Karla na nakabili na siya ng ticket para sa concert ng EXO at may backstage pass pa.

Binura raw ng anak ni Karla ang tweets nito nang mag-react ang ilang K-Pop fans.

Sa panig naman ng K-Pop fans, ang inaalmahan nila ay nakabili raw agad ng ticket ang anak ni Karla kahit hindi ito pumila.

Inakusahan din nila ang kampo nina Karla na gumamit umano ng impluwensiya o “privileges” para makakuha ng ticket.

Depensa ng fans, may mga ginawa silang sakripisyo para makaipon at makabili ng ticket sa concert.

May isang netizen ang nag-post ng status tungkol sa isyu at sa tweet ni Karla.

Ayon sa fan, hindi nila bina-bash ang kapatid ni Daniel Padilla.

“Kayo lang po itong nag-tweet na para bang ina-api namin si Magui,” bahagi ng status ng netizen.

Inalmahan din ng netizen ang pagtawag sa kanila ni Karla na “makitid.”








Ayon naman sa ibang netizens, patunayan muna ng mga nagrereklamo ang akusasyon nila laban sa anak ni Karla.




Ni-retweet din ni Karla ang mensahe ng isang netizen na nagtatanggol kay Magui.

Mensahe ng netizen: “funny how these people accuse Magui of using her 'privileges' when clearly they are the ones who're acting priviliged, saying they're ‘the real fans’ & are ‘more deserving’. Luh.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakiusap ng ibang netizens, huwag nang palakihin ang isyu at huwag daw basta-basta magre-react at alamin muna ang dalawang panig.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN