Mark Herras speaks up about his viral video scandal

IMAGE Mark Atienza

Hindi pa rin daw maisip ni Mark Herras kung ano ang motibo ng taong nag-upload muli ng kanyang video scandal, na kuha 12 taon na ang nakalilipas. Matagal na raw siyang naka-move on mula sa eskandalong ito.


Clueless pa rin si Mark Herras kung bakit muling kumalat sa social media ang kanyang video scandal, na unang lumabas 12 years ago.

Hindi raw niya maisip kung ano ang motibo ng nag-upload nito sa internet.

Para sa Kapuso actor, matagal na siyang naka-move on sa eskandalong ito.

Ang inaalala lamang daw ni Mark ay ang kanyang girlfriend na si Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen "Winwyn" Marquez.

Saad niya, “Siguro, just respect Wyn na lang, kumbaga huwag na lang idamay si Wyn sa issue.

“Maraming nagta-tag sa kanya, e. Si Wyn yung pinakanaiirita, naapektuhan.

“Siguro, huwag na lang nila kumbaga… I’m sure hindi nila ako ni-respect nung nilabas nila yung video, so sana si Wyn, huwag na nilang idamay.”

Nakarating na raw kay Teresita, na kasalukuyang nasa Las Vegas, Nevada, ang paglabas ng video scandal ni Mark.

Ano ang sabi ni Teresita sa kanya tungkol sa isyu?

Tugon ng 31-year-old actor, “Wala. Siyempre naapektuhan siya.

"So, sinasabi ko na lang na parang huwag siya mag-alala, I will do everything para hindi siya madamay.

“Matagal na [‘yan], it’s an old issue, e.”

Sa tingin ba niya, may gustong manira sa relasyon ni Teresita?

Tugon ni Mark, “Kung yun ang plano nila, ang babaw naman para masira nila kami ni Wyn.

“Buti kung parang nanliligaw pa lang ako. E, two years na kami.

"I don’t think ‘yan yung motive, nonsense na pag-iisip na ‘yan.

“And I will never... parang entertain naman the issue, kasi parang nonsense din naman.

“That was twelve years ago pa.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa media conference ng bagong prime-time series ng GMA-7, ang The Cure.

Ginanap ang mediacon sa Le Reve Events Place, sa Quezon City, Martes ng gabi, April 17.

THE CURE. Ang The Cure ay tumatalakay sa isang experimental drug na kayang pagalingin ang cancer, ngunit nagkaroon ng masamang epekto kung saan nagiging zombies ang mga naturukan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbibidahan ito nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez.

Kabilang din sa stellar cast ng show sina Jaclyn Jose, Ken Chan, LJ Reyes, Jay Manalo, Irma Adlawan, Glenda Garcia, Arra San Agustin, Diva Montelaba, at si Mark bilang si Darius.


Kontrabida ang role dito ni Mark. 

Mapapanood ito sa GMA Telebabad simula sa April 30.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN