Kisses Delavin posts message to pacify fans about having different leading men

IMAGE Instagram

Kisses Delavin to her followers: "I trust that you know there's no use in fighting/bashing because people I work with right now have projects soon w/ different partner."


Nanawagan at nagpaliwanag si Kisses Delavin sa kanyang estado bilang solo artist.

Idinaan ng Kapamilya young star sa Twitter noong Lunes, April 16, ang mensahe niyang naglilinaw na wala siyang permanenteng ka-love team at kahit sinong male star ay puwede niyang makatrabaho.

Kaugnay ito ng hindi kanais-nais na komento at away ng supporters niya para ipaglaban ang kanilang mga sinusuportahang male young stars para kay Kisses.

Ang unang naka-love team ni Kisses ay si Marco Gallo, co-housemate niya sa Pinoy Big Brother Lucky 7.

Binuwag ang love team nila dahil sa unresolved issues sa pagitan nila na nag-ugat sa loob pa lang ng Bahay ni Kuya.

Kamakailan lang, nabalitang ipapareha si Kisses kina Tony Labrusca at Donny Pangilinan.

Mensahe ng 18-year-old singer-actress, “Hello! I believe that you won’t lose sight of the fact that I & the people I work with, are solo artists-no such thing as ‘official loveteam.’

“I trust that you know there’s no use in fighting/bashing because people I work with right now have projects soon w/ different partner.”

Sinundan niya ito ng isa pang tweet kaugnay pa rin sa kanyang ipinupuntong “non-permanent love team.”

Pahayag ni Kisses, “We as artist are here in showbiz to inspire, make people happy, not the other way around. 

"To make positive effect in this world, one person at a time, that’s the best legacy we artists can leave in this industry.”

COMMENTS FROM FANS. Sa comments section, isang netizen ang nagsabing dapat nang magkaroon ng permanenteng ka-love team si Kisses.

Mensahe ni @dogbarks2, “Time na siguro para magkaroon ka nang ISANG loveteam lang para alam ng ibang ships sayo kung saan lugar. Matira na ang gusto matira pero yan lang makakapag-ayos ng fandom mo. Respeto sa magiging official, Mahirap wala ka official love team kasi magulo talaga.”

Sinagot ito ni Kisses at sinabing wala sa kanyang mga kamay ang mga ibibigay sa kanyang opportunities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ng Star Magic artist, “Thanks for voicing out your concerns. 

“As a beginner in the biz (I started only last March 2017), I start from the bottom, I have no power to choose things like that (example: choose my loveteam). 

“I need to respect the decisions of the people who give me these opportunities.

“At hindi po kailangan ‘lumugar’ ng mga tagasuporta ko dahil lahat sila ay importante at kamahal-mahal. 

“Kung may lugar man silang dapat lugaran ay sa puso ko.”

Isang follower naman ni Kisses ang nagpahayag ng kalungkutan na walang permanenteng partner ang idolo niya.

Ayon kay @Just_alilunwell, “Speechless na naman ako baby girl. 

“Nalungkot ako sa ‘people I work with right not have projects soon w/ different partners.’

“Nevertheless, I will remain here, supporting and loving you.”

Humingi ng paumanhin si Kisses sa nararamdamang ito ng kanyang follower at sa iba pang umaasa sa permanent love team.

Saad niya, “I am sorry to make you sad. It’s not my intention.

“You might all dislike me because of my post. Pero mas makakatulog ako ng mahimbing now that I said the truth, sa lahat ng support na binibigay nyo I think you deserve truth.”

Marami rin naman sa kanyang followers ang nauunawaan si Kisses.

@lizabermudez: “Makata ang baby Kisses ko, napakalalim ng pagmamahal mo sa puso, umasa kang mas higit na pagmamahal ang isusukli namin sa gandahan mong puso para sa amin.”

@ar_Kiss: “I am your solid fan babe, kahit sino lt (love team)  mo o wala kang ltm chill lang. Ang importante sa akin ay ikaw, hindi ang kilig ko sa makakatambal mo.  And open minded ako na ang bata mo pa and you are working in showbiz, hindi naghahanap ng real life partner.  Hehehe. I love you!”

@GajeranaK: “Iloveyou kween nandito lang kami para sayo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

@althealorraine: “don’t worry kisses ikaw lang sapat n sa amin khit anung mangyari solo or love team andito lang kami sau…sooooobraaaaa as in..”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN