Eric Quizon grateful for getting offers from both ABS-CBN and GMA-7

IMAGE Bernie Franco

Eric Quizon on offers from ABS-CBN and GMA-7. "GMA has been asking me, kaya lang parating nauuna, parating nangyayari, parang nauuna ang ABS-CBN. So, pag tinanong nila ako, tinanggap ko na."


Para kay Eric Quizon, masuwerte siyang nakakagawa ng mga proyekto sa dalawa sa pinakamalaking TV networks sa bansa—ang ABS-CBN at GMA-7.

Katatapos lang niya sa ABS-CBN afternoon drama series na Hanggang Saan, at nagsisimula na siya ng isang proyekto sa GMA-7.

“I’m doing something for GMA, but I can’t say it pa,” pakli ng actor-director.

Dagdag pa ni Eric, “Our world is very small, the circle is very small.

"That’s what you call a dependable actor.

"So there are a few people who do that, yung nakakagawa nun."

Katulad ni Eric, may batchmates din siyang mga artista na nagagawa ring makatawid sa magkabilang networks.

“Parang kailangan ka nila because, kamukha namin, kami na ang mga tatay-tatay, e.

"So, sino ang mga tatay-tatay na mga ‘yan? Kokonti lang kasi. 

“Yung age bracket namin, konti lang,” paliwanag ng 51-anyos na aktor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eric sa shooting ng My 2 Mommies sa Antipolo, Rizal, nitong Martes, April 13.

Si Eric ang direktor ng pelikulang ito ng Regal Entertainment, Inc. na pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros at Solenn Heussaff. Ipalalabas ito sa May 9.

DIREK ERIC. Bukod sa pagbibida sa mga teleserye, nakagawa ng pangalan si Eric bilang direktor ng mga teleserye sa magkabilang networks.

Naging in-demand din daw siya bilang direktor nang aktibo pa ang TV5 nitong mga nakalipas na taon.

Bukod sa Hanggang Saan, ilan sa mga huling proyekto ni Eric sa ABS-CBN ay ang Oh My G! (2015), My Dear Heart (2017), at FPJ’s Ang Probinsyano.

Ilan naman sa mga Kapuso teleserye na idinirek ni Eric sa GMA-7 ay ang Darna (2005), Majika (2016), at Asian Treasures (2007).

Nagkakatalo na lang daw kung sino ang unang mag-offer ng project.

Ayon kay Eric, “GMA has been asking me, kaya lang parating nauuna, parating nangyayari, parang nauuna ang ABS-CBN.

"So, pag tinanong nila ako, tinanggap ko na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa kung sino ang unang mag-offer ng trabaho, nakadepende rin daw sa role kung tatanggapin ni Eric ang isang proyekto o hindi.

“It depends on the role also. Kaya lang, parati namang magaganda ang inu-offer nila sa akin.

"Kaya lang, ang hirap kasi nakaoo ka na tsaka biglang sila darating," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN