Carlo Aquino on Angelica Panganiban as a GF: "Wala siyang ititira, ibibigay niya lahat sa 'yo."

IMAGE Instagram

Carlo Aquino: "Ngayon, hindi pa ako naghahanap ng relationship. After seven years, parang masyadong maaga, masyadong mabilis kung magkakaroon ako ng girlfriend."


Nilinaw ni Carlo Aquino na magkaibigan lamang sila ngayon ng ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban.

Ito ay sa kabila ng ilang pagkakataong nakita silang magkasama, kabilang na ang pagpunta nila ng Australia kamakailan.

“Friends,” pagtukoy ni Carlo sa relasyon nila ni Angelica. 

“Labas [na] kaming dalawa lang? Hindi pa.

“Sa ngayon friends talaga.

“Tumatambay kami kasama sila Ketch [Ketchup Eusebio], sila Glaiza [de Castro] sa bahay nila.”

Hindi pa raw handa si Carlo na pumasok sa panibagong relasyon matapos mauwi sa hiwalayan ang pitong taong relasyon nila ng kanyang non-showbiz girlfriend.

“Katulad nga ng sinabi ko, ngayon, hindi pa ako naghahanap ng relationship.

"After seven years, parang masyadong maaga, masyadong mabilis kung magkakaroon ako ng girlfriend."

Nang kumustahin naman kung nakakapag-usap pa ba sila ng kanyang non-showbiz ex-girlfriend, umiwas ang aktor na pag-usapan ito.

“Huwag na natin siyang pag-usapan, hindi naman siya taga-showbiz, kawawa naman,” pakiusap ni Carlo.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carlo sa press conference ng pelikula niyang Throwback Today, presented via Cine Lokal, na ginanap sa Cinematheque Centre Manila ng Film Development Center of the Philippines (FDCP), noong Martes, April 17.

THE EX. Sa book launch ng librong Para Kay Ex, na ang foreword ay isinulat ni Angelica, present si Carlo para magbigay suporta sa ex-girlfriend.

Inamin ng aktor na alam niyang nasaktan niya nang sobra si Angelica, at isa ito sa gusto niya sanang mabago kung saka-sakaling makababalik siya sa nakaraan.

Saad ni Carlo, “Oo, tinanong ako kung sino daw ba ako sa mga ex, yung nanghihingi ng space, yung astronaut.

“Gago lang talaga ako nun, bata, e.

“Hindi sure kung ano ang mayroon, 'tapos siyempre yung atensiyon.

“Yung nasaktan ko siya, sana di sa ganung paraan ko nagawa yun.”

Nakatulong naman daw kay Carlo ang mga naging pagkakamali niya sa relasyon noon.

“Oo, kasi kung ano ako ngayon, yung mga pagkakamali ko noon kaya ako naging ganito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging karelasyon din ni Angelica ang mga aktor na sina Derek Ramsay at John Lloyd Cruz, ngunit nasaktan din ang aktres nang mauwi sa hiwalayan ang relasyon niya sa mga ito.

Ayon kay Carlo, nakaramdam din siya ng sakit dahil alam niyang masakit ang mga pinagdaanan ni Angelica.

Aniya, “Siyempre nasasaktan din ako kasi mabuti din naman siyang tao.

“Di pa lang siguro niya nahahanap yung tama for her.

“Sobra, sobra siyang magmahal, wala siyang ititira, ibibigay niya lahat sa iyo.”

Bakit hindi niya binalikan noon si Angelica?

“Hindi, e. Siguro kasi may mga girlfriends din ako, 'tapos mayroon din siya,” sagot niya.

MEETING ANGELICA IN AUSTRALIA. Kagagaling lang ni Carlo sa Australia, kung saan magkasama sila ni Angelica.

Shopitbalur

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Kuwento ng aktor, “Okay naman kasi nagpunta ako ng Sydney.

“Dinalaw ko yung dalawang kapatid ko dun, 'tapos lumipat ako ng Melbourne para dun sa concert ni Ed Sheeran.

“Nagkita kami ni Angge. Oo, sa kanya nanggaling yung ticket.”

Dagdag pa ng aktor, “Okay naman, masaya. 

"Light lang, tambay-tambay, 'tapos may dumating  din siyang friends.

“May mga dancing videos kami, pinagtripan namin yung ibang tourists dun."

MOVIE WITH ANGELICA. Kinumpirma naman ni Carlo na isang romantic movie ang muling pagtatambalan nila ni Angelica sa ilalim ng direksiyon ni Dan Villegas.

Kuwento ng aktor, “Nag-pitch sila sa amin nung Thursday.

“Baka mag-look test na kami this weekend.

“Magsisimula siya college days, 'tapos magiging kami, tapos kung ano ang pinagdadaanan ng isang couple sa isang relationship.”

Hindi raw heavy drama ang dating ng pelikula.

Aniya, “Light siguro to heavy. Iba siya, e.

“Excited ako na kinakabahan, big screen, e.

“Huli kaming nagsama sa MMK.” 

Maiilang ba siya kung may kissing scene sila ni Angelica sa kanilang pelikula?

“Ako, hindi ako maiilang. Pero siya, parang hindi naman din.

“Hindi ko alam kasi wala pang ibinibigay na script sa amin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THANKFUL TO FDCP. Masayang-masaya naman si Carlo na maipalalabas muli sa ilang sinehan ang pelikula niyang Throwback Today, na produced ng Cinema One Originals sa tulong ng FDCP.

Aniya, “Natutuwa ako kasi maganda yung concept ng movie.

“Ang ganda nun, e, yung makakausap mo yung younger self mo.

“Ano ang sasabihin mo para mabago ang present mo, para mabago yung future mo.

“Ang ganda ng concept na di masyadong na-push last year."

Labis din ang pasasalamat ni Carlo kay Liza Diño, chairman ng FDCP sa tulong na ibinibigay nito sa industriya.

“Sobrang laking bagay na ipapalabas nila yung ganitong mga indie films.

“Dumating sa point na yung industriya natin, pinapatay na ng pirata.

“Ang laking bagay ng ginagawa ni Ms. Liza sa industriya kaya sobrang thankful ako sa kanya.

“Ang daming magagaling na direktor, ang daming magagandang concepts na hirap na hirap kung paano nila ilalabas, kaya salamat talaga sa FDCP.”

CARLO'S THROWBACK. Kilala si Carlo bilang isang mahusay at dekalidad na aktor ng kanyang henerasyon.

Ibinahagi niya na ayon sa tema ng Throwback Today, isa sa mga gusto niyang itama sa kanyang karera ay ang pagiging takot niya noong gumawa ng mga inalok sa kanyang mga proyekto.

“[Takot sa] failure at my young age, ang daming nabigay sa akin na parangal, ayokong masira.

“Hanggang ngayon, hindi ako sure kung magaling ako.

“Hanggang ngayon, may ganun pa rin ako.

“Kahit gustung-gusto kong umarte, kahit mahal na mahal ko yung ginagawa ko, di nawawala ang ganung pakiramdam ko.

“Ngayon, mas nagiging matapang na ako.

“Saka kasi di ka naman nila kukuhanin kundi sila naniniwala sa iyo.

“Yung trust na ibinibigay nila sa akin, binabalik ko lang sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN