Mark Bautista's alleged nude video circulates on Facebook

by Arniel C. Serato
Apr 19, 2018
Kumakalat ngayon sa internet ang nude video diumano ni Mark Bautista. Maiksi lang ito at tinakpan ang maselang bahagi ng katawan ng singer-actor. 

Nagsimula nang kumalat sa Facebook ngayong Huwebes, April 19, ang nude video diumano ng singer-actor na si Mark Bautista.

Na-upload ito sa Facebook page na Dear Besh kagabi, April 18.

Sa 12-second-video, makikitang hubad ang pinaniniwalaang si Mark, na tila nasa loob ng isang banyo.

Edited na ang video dahil tinakpan ang maselang bahagi ng kanyang katawan, ngunit saglit na maaninag na wala siyang suot na underwear.

Sa bandang dulo ng video, dinuraan ng lalaking nasa video ang kanyang kamay.

At press time, mayroon na itong 4,000 views.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section, may mga netizen na nagkomentong bitin daw ang video.

Pero ayon sa uploader, "teaser" pa lamang daw ito.

Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Mark para sa kanyang statement tungkol sa video.

Wala pa itong sagot sa kasalukuyan.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pag-amin ni Mark sa kanyang libro na bisexual siya at mayroon siyang nakarelasyong male celebrity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Mark Bautista, Facebook, nsfw
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kumakalat ngayon sa internet ang nude video diumano ni Mark Bautista. Maiksi lang ito at tinakpan ang maselang bahagi ng katawan ng singer-actor. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results