Joshua Garcia, Julia Barretto move on from third-party issue

IMAGE Nerisa Almo

Joshua Garcia and Julia Barretto are starting all over again after third-pary rumor. He says, "Sa ngayon, kailangan kong ma-earn ang trust niya."


Nalagpasan na nina Julia Barretto at Joshua Garcia ang isyung naging dahilan ng kanilang tampuhan kamakailan.


Stories We Are Tracking

Female netizen clarifies private message from Joshua Garcia
Female netizen clarifies private message from Joshua Garcia
Joshua, Julia take a swipe at naysayers
Joshua, Julia take a swipe at naysayers

Sa launch ng bago nilang iniendorsong OPPO F7 kagabi, April 19, kapansin-pansing nanumbalik na ang pagiging sweet ng dalawang Kapamilya stars sa isa't isa.

Sa katunayan, nang mag-duet ang rumored couple sa kanta ni Ed Sheeran na “Perfect,” lumuhod pa si Joshua sa harap ni Julia, na humalik naman sa noo ng binata.

Tinapos nila ang kanilang perfomance sa pamamagitang ng isang mahigpit na pagyakap sa isa't isa.

Indikasyon ba itong naayos na ang gusot sa kanilang relasyon?

Ngunit pakiusap ng 20-year-old actor, “Huwag muna tayong magbigay ng meaning sa mga ganung bagay.

“Sa ngayon, kailangan kong ma-earn ang trust niya.”

Matatandaang ito ang sinabi ni Julia nang makapanayam silang dalawa ni Boy Abunda sa weeknight talkshow na Tonight With Boy Abunda, na umere noong Miyerkules, April 18.

“He's still trying to gain my trust but we're okay,” sabi ng 21-year-old actress.


Stories We Are Tracking

Julia Barretto admits rough patch with Joshua Garcia
Julia Barretto admits rough patch with Joshua Garcia
Julia slams third-party rumor involving Joshua
Julia slams third-party rumor involving Joshua

Sa panayam nila kagabi, nakiusap din si Julia na sana ang interview nila ni Joshua ang una at huling pagkakataong mapag-uusapan ang isyung pinagdaanan nila kamakailan.

Aniya, “I feel, like, both Josh and I have already spoken and have already explained both our sides.

“We really ask that for the first and the last time we really have to talk about whatever went our way.

“Let's not glorify so much what happened."

Sabi naman ni Joshua, “Pinag-uusapan pa nila, kami tapos na.

"Parang ano pa, tapos na kami, nangyari na sa amin yun."

Sumang-ayon dito si Julia at sinabing, “We've moved on and the others haven't.”

Sa huli, sinabi ng Kapamilya love team, JoshLia sa kanilang fans, na dahil sa nangyari ay naging mas matibay ang kanilang pagsasamahan.

“Everybody who gets through a challenge comes out a better and stronger person,” pagtatapos ni Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Look who's taking a selfie with the new Oppo F7! #CaptureTheRealYou

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN