Kris Aquino to Joshua Garcia on third-party issue:"Can you please behave?"

IMAGE Instagram (@krisaquino)

Kris Aquino reacts to the recent issue about Joshua Garcia's loyalty to Julia Barretto being questioned after he got linked to a female netizen.


Pinayuhan ni Kris Aquino si Joshua Garcia na mag-behave at huwag nang hintayin pang mawala sa buhay niya si Julia Barretto kaugnay ng pagkaka-link ni Joshua sa isang female netizen kamakailan.

Inamin ni Joshua na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Julia, ang kanyang onscreen partner at rumored girlfriend, dahil nag-comment ang young actor sa post ng isang netizen.

At dahil lumaki ang isyu, na-bash si Joshua ng mga netizens at kinuwestyon ang kanyang loyalty kay Julia.

Sa interview ni Joshua sa Tonight With Boy Abunda noong April 10, inamin ni Joshua na naayos na nila ni Julia ang anumang problemang dulot ng isyung ito.


Stories We Are Tracking

Julia slams third-party rumor involving Joshua
Julia slams third-party rumor involving Joshua
Julia Barretto admits rough patch with Joshua Garcia
Julia Barretto admits rough patch with Joshua Garcia

Nagharap-harap sina Julia, Joshua at Kris nitong nakaraang April 20, Biyernes, para sa story con ng kanilang upcoming Star Cinema movie, ang I Love You Hater.

Sa video na naka-upload sa YouTube, pinayuhan ni Kris si Joshua na mag-behave.

“Napanood ko rin yung kay Boy,” pagtukoy ni Kris sa interview ng King of Talk kay Joshua.

“Can you please behave?” diretsang sabi ni Kris kay Joshua.

“Sa ganda ba naman nito, di ba?

“Sometimes kasi, minsan ang boys hindi naa-appreciate yung ganito kaganda,” pagtukoy ni Kris kay Julia.

“Kailangan mag-try muna ng ano not so [maganda], and then dun mo maa-appreciate ngayon yung halos mawala.

“Huwag mo nang hintaying mawala,” pahabol pa niyang bilin kay Joshua.

JOSHLIA FAN. Samantala, sinabi rin ni Kris na pinanood niya ang dalawang previous movies nina Joshua at Julia at humanga siya sa love team.

Aniya, “Sabi ko, Julia is really an actress, grabe!

“And I said Joshua has that special charisma that really just comes once in a generation. Iba talaga.”

Paalala pa ni Kris sa dalawa, “Congratulations to the both of you.

“Both of you have onscreen magic, so please take care of it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN