Jennylyn Mercado's new TV show helped her overcome her fear of loud noises

IMAGE Mark Atienza

Jennylyn Mercado says her new Kapuso teleserye, The Cure, helped her overcome her fear of loud noises: "Dinadaan ko na lang sa pagbuhos ng emotions sa mga eksena namin para mawala ang takot ko. I try to overcome my fear sa pag-focus sa mga eksena namin."

 


Almost seven months din na hindi muna gumawa ng teleserye ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado.

Ang huling pinagbidahan na teleserye ni Jen ay ang My Love From The Star na nagtapos noong August 2017 pa.

Hindi naman daw sa naging choosy si Jen dahil gusto niyang magpahinga muna sa TV para gawin ang ibang trabaho.

 “Hindi naman po ako ganun ka-choosy basta importante lang po maganda yung kwento, 'di ba?

 “Alam natin na maganda yung magiging takbo ng buong soap. Ganun lang naman yun.

“’Tsaka after My Love From The Star, marami ring trabaho na dumating, like yung movie namin ni Derek Ramsay na All Of You na pinalabas noong MMFF [Metro Manila Film Festival] 2017.

 “Marami din akong guestings pero naging priority ko rin ang mag-spend ng time kasama ang anak at ang daddy ko.

“Kapag may teleserye kasi ako, marami akong nami-miss sa mga ginagawa ni Jazz.

“Kaya noong matapos po ang show, talagang tutok ako kay Jazz.

“Nabakasyon kami, bonding with my dad. Mga gano’n muna bago tayo ulit mag-work nang tuluy-tuloy.

“Kaya yung naging show namin na Sikat Ka, Kapuso, huling paglabas muna ng bansa iyon for me kasi nag-start na kami sa The Cure,” pahayag pa ni Jennylyn sa media launch ng naturang teleserye sa Le Reve Pool and Events Venue in Quezon City last April 17.

BACK TO JIU-JITSU. Sadya raw na nagpapayat si Jen dahil hindi raw biro ang mga eksena nila ng leading man niyang si Tom Rodriguez sa The Cure.

Marami raw silang takbuhan, talunan at fight scenes kaya hinanda ni Jen ang katawan niya para rito.

“Bumalik na po ako sa [Brazilian] jiu-jitsu ulit. Tapos yung reaction training ko yung Balintawak [Filipino martial art], tuluy-tuloy lang siya.

“Nagamit ko po sa mga big scenes namin.

“Noon naman po kasi ginagawa ko na siya. Seven, eight years na akong nag-jiu-jitsu, binalik ko lang siya ngayon,” diin ni Jen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Never pa raw gumawa ng mga action scenes si Jen sa isang teleserye, kaya bago raw sa kanya ang lahat ng mga ginagawa nila sa The Cure.

“Ito kasi yung first project ko na may action tapos thriller na wala masyadong drama.

“First time gagawin sa Philippine television na ganitong concept, so excited ako kasi gusto kong malaman yung reaksyon ng mga tao.

“’Yan yung maganda dito sa show na 'to, kasi kahit anong nangyayari, kahit anong problema ang dumadating, 'yan yung nagpapatibay sa family.

“At 'yan yung center ng story, it’s about family.

“Dun iikot ang kuwento, kaya nila nagawa yung mga masasamang bagay, kaya sila nagnakaw nang ganito, kasi dahil para sa pamilya,” kuwento pa ni Jen.

JEN'S FEAR OF NOISES. Inamin ni Jen na may takot siya sa maiingay at malalakas na putukan.

Ang tawag sa phobia na ito ay Phonophobia, the fear of loud noises.

Pero nagawa raw niyang ma-overcome ang takot niyang ito habang ginagawa ang mga malalaking eksena sa The Cure.

“Bata pa lang ako, natatakot ako kapag nakakarinig ako ng malakas na putukan. Feeling ko, may nagbabarilan.

“Kaya tuwing New Year, nagtse-check-in ako sa hotel, kasi takot ako sa ingay ng mga paputok. Kapag nasa hotel room ako, I feel safe.

“Kaya dito sa The Cure, kabadung-kadabo ako talaga kasi may mga blastings, may barilan, may sumasabog. At malalakas talaga.

“Kahit na alam kong maayos naman nilang sine-set up iyon, still, may takot pa rin ako.

“Pero tiis-tiis lang. Dinadaan ko na lang sa pagbuhos ng emotions sa mga eksena namin para mawala ang takot ko.

“I try to overcome my fear sa pag-focus sa mga eksena namin,” diin ni Jen.

Malaking tulong daw ang leading man niyang si Tom dahil sa pagiging energetic nito sa mga eksena nila.

“Nakakahawa ang pagiging maliksi ni Tom sa mga eksena namin parati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya kahit paano, nabawasan ang takot ko kasi nakikita ko si Tom na parang bale-wala sa kanya yung mga sumasabog sa set. Action star na action star si Tom!” tawa pa ni Jen.

REUNITED WITH MARK. Sa The Cure din ulit sila nagkasama ng kanyang dating ka-loveteam na si Mark Herras.

Huli silang nagkasama ay sa 2014 teleserye na Rhodora X.

Happy naman daw si Jen sa mga nangyayari kay Mark, mapa-career at love life nito ngayon.

“Masaya ako para kay Mark kasi ang tagal na rin nila ni Winwyn [Marquez].

“At ang importante din ay masaya siya sa mga nangyayari sa buhay niya. Hindi siya nawawalan ng projects at malaki na ang na-improve niya bilang aktor.

“Kaya noong malaman ko na magkakasama ulit kami sa teleserye, natuwa ako kasi four years ago pa kami huling nagkatrabaho sa isang show.

“It’s nice to still be working with Mark after all these years.

“Imagine, from the very first StarStruck noong 2003, may 15 years na pala at nandito pa rin kaming dalawa,” pagtapos pa ni Jennylyn Mercado.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN