Liza Soberano replies to netizen who questioned Enrique Gil's gentlemanly ways

IMAGE @enriquegil17 on Instagram

Liza Soberano defended Enrique Gil from a netizen who said that her rumored boyfriend is not a gentleman because he didn't help Liza going down the plane. This was after Enrique posted a video of him and Liza going down from an airplane separately.


Sinagot ni Liza Soberano ang netizen na nagbigay ng opinyon tungkol sa isang video na ipinost ng ka-love team at rumored boyfriend na si Enrique Gil.

Base sa Instagram video na ipinost ni Enrique kanina, April 22, makikitang bumababa sila ni Liza mula sa isang eroplano.

Naunang bumaba si Enrique habang nagsasalita sa video, habang kasunod naman niya si Liza (in white shirt).

Ayon sa comment ng netizen na si @anoi_ing, mas maganda raw sana kung inalalayan ni Enrique si Liza sa pagbaba.

Sabi niya, "Kahit na May paa, a gentleman will always always help a lady.... if he forgets then he is not a gentleman....

"it's a habit na Hindi dapat kalimutan.... parang nag mamano sa mga matanda if a person is magalang... that's my opinion."

Sinagot naman ito ng Liza at ipinagtanggol ang Bagani co-star.

Sabi niya, "do not worry i personally asked Quen to not make me "alalay" when going down the jet for the video.

"Quen is a gentleman, I will always be the first one to testify for him.

"Plus, I'm a strong lady, i can handle myself."

Si Enrique naman ay nag-comment lang ng "Haha" makalipas ang ilang oras.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN