Korina Sanchez posts about positivity amid Kris Aquino accusation

IMAGE Instagram (@thisiskorinasanchezroxas)

Korina Sanchez posts about positivity amid Kris Aquino's accusation, claiming that the veteran broadcaster intentionally featured James Yap on her shown despite Kris's rift with the basketball player.


Sa gitna ng mga patutsada laban sa kanya ni Kris Aquino, nag-post ng positibong mensahe sa Instagram ang Kapamilya TV host na si Korina Sanchez.

Kalakip ang larawan niya habang nakasakay sa carousel, ito ang isinulat ng Rated K host sa caption:

“Life is like a merry-go-round. Remember to ride with the eyes of a child & stay happy!”

Kagabi, April 22, pagkatapos maipalabas sa Rated K ang feature tungkol sa bagong pamilya ni James Yap ay nag-post si Kris ng mensahe sa Instagram upang batikusin si Korina.

Ayon kay Kris, "nanadya" si Korina sa pagpapalabas ng positibong istorya tungkol kay James, gayong ilang araw bago nito ay nagpahayag ang tinaguriang Queen of All Media ng kanyang sama ng loob laban sa dating asawa.

Ginagamit daw ni James ang anak nilang si Bimby para lumabas itong mabuting ama.


Stories We Are Tracking

Kris calls James
Kris calls James "abusive hypocrite," "fake," "user"
Kris Aquino stands by accusation against Korina Sanchez
Kris Aquino stands by accusation against Korina Sanchez

Walang direktang sagot si Korina sa akusasyon ni Kris, pero base sa dalawang sagot niya sa netizens ay malinaw na alam nito ang tungkol sa isyu.

Ayon sa isang netizen, ang hindi pagiging ina ni Korina ay hindi kabawasan sa kanyang pagiging babae.

“Nanay” raw si Korina sa kanyang mga kapatid, mga aso, at rescued animals.

Higit sa lahat, mayroon daw siyang asawa na nagmamahal sa kanya— si Mar Roxas.

“Siguro nga Korina [was] not given the privilege to be a mother at least she [was] given the privilege to have a happy and a successful marriage.”

Sa original status ni Kris, pinatutsadahan niya si Korina sa hindi nito pagkakaroon ng anak, subalit in-edit din niya ang parteng iyon.  

“Positivity” at apat na heart emojis naman ang komento ng TV and movie personality na si IC Mendoza.


Nag-post din ng isang video si Korina sa kanyang Instagram account.

Sa caption, tungkol sa positivity rin ang nilalaman nito:

“#KorinaReinvented is about keeping in touch with our purpose & living our #BestLife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In this pursuit, what's essential is to spread positivity, kindness, understanding and love. This is what the world needs. We're not perfect, but we have to try.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN