Vice Ganda "flirts" with UST volleyball player via Twitter

IMAGE Instagram (@teamviceph) / Twitter

Vice Ganda exchanges "hugot lines" with UST Tigers spiker Manuel Andrei Medina on social media that brought "kilig overload" to the netizens.


Pumukaw ng pansin sa netizens ang palitan ng mensahe sa Twitter ng TV host-comedian na si Vice Ganda at ang player ng University of Sto. Tomas (UST) Men’s Volleyball team na si Manuel Andrei Medina.

Nagsimula ang tuksuhan nina Vice (@vicegandako) at Andrei (@andreimawel) nitong Martes ng madaling-araw, April 24.

Unang nag-tweet ang volleyball player kay Vice ng: “Hello ganda.”

Makalipas ang ilang minuto, sumagot si Vice: “Hello pogi.”

Sinundan ito ng palitan nila ng tweets na tumagal ng isang oras.

Naging makahulugan ang mensahe nila sa isa’t isa na pawang “hugot” lines.

Ikinakilig ito ng netizens.

“Kaya mo ba?” hamon naman ng university athlete sa It’s Showtime host.

Sa kanilang sagutan, natanong ng atleta kay Vice: “Hanggang dito ba naman biruan?”

Hinamon ni Vice si Andrei kung gusto nito ng “seryosohan.”

Sagot ng UST spiker: “Ang tanong.. kaya mo ba??”

Buwelta ni Vice, kaya bang panindigan ng kausap ang kanilang sisimulan.


Dugtong ni Vice, kung sino ang “mahuhulog” sa kanila ay siya ang talo.

Birong tweet naman ni Andrei sa komedyante: “Ang tanong okay lang ba sayong saluhin kita pag nahulog ka????”

Nagpatuloy pa ang palitan nila ng hugot lines.

Sa isang punto, nag-tweet si Vice na naghahanap siya ng isang taong hindi siya paglalaruan na parang bola, kundi yayakapin siya na parang tropeyo.


“Hindi ako marunong maglaro…” sagot ng athlete kahit daw isa siyang manlalaro.

Diin ni Vice, “game” lang ang ginagawa nila kaya hindi siya magpo-focus.

“So game lang pala lahat ng to sayo???? HINDI NAMAN AKO PAPATALO SIYEMPRE...” sagot naman ng UST student.

Nilinaw naman ni Andrei sa isang netizen na "We're just having fun heheheh" patungkol sa palitan nila ng tweets ni Vice.


Kalaunan, ng-post ang volleyball player ng picture niyang may hawak na trophy at medal.

Tanong ni Andrei kay Vice: “Ikaw ba tong hawak ko????”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hugot ni Vice: “Tapos pag may bago ka ng napanalunan itatabi mo na lng sa sulok para agiwin ako.”

Aalagaan daw ito ni Andrei.

Sa puntong iyon, nag-tweet si Vice na inaantok na siya at aabangan na lang nito ang tweet ng kausap dakong ika-4 ng hapon.

Nag-tweet naman si Andrei sa takdang oras: “Game?”

Sagot ni Vice: “Anong laro?”


Habang isinusulat ang artikulong ito, hindi pa muling sumasagot si Andrei sa tanong ni Vice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN