Xian Gaza takes a jab at Kris Aquino: "Just a typical Filipina na hindi pa nakaka-get over sa ex niya"

IMAGE Instagram

Nagkomento ang controversial social media personality na si Xian Gaza sa isyu ni Kris Aquino at ng ex-husband nitong si James Yap. Ayon sa kanya, may kinikimkim pa raw na galit si Kris at hindi pa rin daw ito maka-get over sa kanilang hiwalayan.


Ayaw paawat ng controversial social media personality na si Xian Gaza sa pagpapapansin sa kanyang followers sa social media.

Matapos yayain sa isang movie date ang cosplayer na si Myrtle Sarrosa, nag-post si Xian sa Instagram ng kanyang opinyon tungkol sa mga patutsada ni Kris Aquino laban sa ex-husband nitong si James Yap.


Stories We Are Tracking

Xian Gaza invites Myrtle Sarrosa to a movie date
Xian Gaza invites Myrtle Sarrosa to a movie date

Ayon sa self-confessed scammer, base sa post ni Kris, hindi pa ito maka-move on sa hiwalayan nila ni James.

Sabi ni Xian sa kanyang IG post kahapon, April 23, “KRIS AQUINO is just a typical Filipina na hindi pa nakaka-get over sa ex niya na may matagal ng tanim na hinanakit at galit sa isang kapwa Filipina na sumabog at nadala ng silakbo ng damdamin then pinost sa social media.

“Nagkataon lang na anak at kapatid siya ng dalawang dating pangulo with a personal net worth of almost a billion peso and she’s a very high profile public figure na kapag nakagat ng lamok ang kanyang bunso ay news headline na sa bansa.”

Ang tinutukoy ni Xian na dalawang pangulo ng bansa sa buhay ni Kris ay ang namayapang ina nitong si dating Pangulong Corazon "Cory" Aquino (1986-1992) at ang kapatid na si dating Pangulong Benigno Simeon "Noynoy" Aquino III (2010-2016).

Dagdag pa ni Xian, “I hope one day we will stop judging and hating a person based sa iilang post niya sa social media.

"Nawa’y lumalim pa ang ating pagiisip at lumawak ang ating pangunawa so we could just keep on spreading love and stop hating.

"World Peace at GV lang for the Economy.”

Sa comments section, pinagsabihan siya ng isang netizen na huwag sumawsaw sa isyu at baka gusto lamang niyang mag-trending ulit.

Sagot ni Xian, hindi na niya kailangang mag-trending at sumikat dahil sawa na raw siya.



Stories We Are Tracking

Xian Gaza released from prison after posting bail
Xian Gaza released from prison after posting bail
Xian Gaza surrenders to Malabon police; claims bankruptcy
Xian Gaza surrenders to Malabon police; claims bankruptcy
Two arrest warrants issued against Xian Gaza
Two arrest warrants issued against Xian Gaza
Xian Gaza receives indecent proposal
Xian Gaza receives indecent proposal


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN