Kris Aquino slays basher for calling her "insane" and for posing as Loisa Andalio

IMAGE Noel Orsal / Instagram @krisaquino (inset)

"This 'creature' dared to further comment 'your insane' (hindi pa marunong ng difference ng YOU'RE & YOUR) & inaagawan pa yung totoong Loisa ng pagkatao," stated Kris Aquino, who vowed to be a "hater slayer" on her Instagram account.


Kinondena ni Kris Aquino ang “pangmamaldita” sa kanya ng isang basher na gamit ang fake account ng Kapamilya young actress na si Loisa Andalio.

Ito ay matapos siyang tawagin ng basher na “insane” at kailangang sumailalim sa “psychiatric check.”

Tila kaugnay ito ng pagiging palaban ni Kris, hindi lang sa kanyang bashers kundi pati sa paglabas nito ng saloobin laban sa ex-husband na si James Yap sa pamamagitan ng social media.

Pahayag ng basher na may Instagram handle na @iamandolioloisa: “Ms. @krisaquino when was the last time you had a pyschiatric [sic] check?”

Buwelta ni Kris, “i know you want to get some attention BUT girl- you work for it & you earn it.

“Minamaldita mo ko but i feel that you are younger than my oldest so i have made it a policy to not bully children.

“You will mature & experience life, then let's have a sensible conversation. Because i #walkthetalk.”

BASHER'S FAKE ACCOUNT. Ayon kay Kris, hindi nakuntento ang kanyang basher at tinawag pa siyang “insane.”

Ni-repost ni Kris sa Instagram account niya ang umano'y pangungutya sa kanya ng basher, na bukod sa mali ang grammar ay nagpapanggap pang si Loisa.

Kasabay nito ay ipinakita ni Kris ang pagkakaiba ng official Instagram account ni Loisa at ang poser ng young actress na siyang bumabatikos sa 47-year-old TV host-actress.

Paliwanag ni Kris, “I am posting this so that we may all be aware of #fakeaccounts & #identitytheft.

“This ‘creature’ dared to further comment ‘your insane’ (hindi pa marunong ng difference ng YOU’RE & YOUR) & inaagawan pa yung totoong Loisa ng pagkatao.

“Because of this i am FOLLOWING THE TRUE LOISA. #laban #exposethefakes #owningmythrone”

VOWS TO BE A "HATER SLAYER." Tulad ng pangako ni Kris, palaban din niyang sinagot ang ilang netizens na nagkomento sa kanyang post.

Una na rito ang isang netizen na pinuna ang diumano'y "pang-aaway" ni Kris kay Korina Sanchez, TV host ng ABS-CBN lifestyle magazine show na Rated K.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay ito ng pag-feature ng programa ni Korina kay James, Italian partner nitong si Michela Cazzola, at anak nilang si Michael James noong Linggo, April 22.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino slams Korina Sanchez over James Yap feature
Kris Aquino slams Korina Sanchez over James Yap feature
Kris Aquino reveals why James does not see Bimby anymore
Kris Aquino reveals why James does not see Bimby anymore
Kris calls James
Kris calls James "abusive hypocrite," "fake," "user"
Kris Aquino stands by accusation against Korina Sanchez
Kris Aquino stands by accusation against Korina Sanchez

Tanong ng netizen na may handle na @lion_heart_45, "aawayin ba" ni Kris ang sinumang media personality na makakapanayam si James kasama ang partner at anak ng couple?

Simpleng sagot ni Kris, "@lion_heart_45 0 posts, 1 follower I'd answer but pang #FakePatrol ka."


Isa namang netizen ang nagpaalala kay Kris na tigilan na ang pagpatol sa kanyang "haters" dahil aksaya lang ito ng panahon at "magri-reflect" ito sa karakter ng TV host-actress.

Ngunit ayon kay Kris, ito ang paraan niya upang huwag mawili ang bashers.

Sagot ni Kris, "@applemsv i respond because the NEGAS feel they are the only ones w/ a voice. Kung may vampire slayer i intend to be a #haterslayer."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN