LJ Reyes not in a hurry to marry Paolo Contis: "Huwag niyo naman akong i-pressure."

IMAGE Noel Orsal

With her contract with GMA-7 up for renewal, LJ Reyes is not going anywhere. She says. "I am very happy, it's an environment na relaxed ako, confident ako."


“Huwag niyo naman akong i-pressure.”

Ito ang sagot ni LJ Reyes sa tanong kung kailan ang balak nilang magpakasal ng boyfriend niyang si Paolo Contis.

Paliwanag ng Kapuso actress, “Para sa akin, mas gusto ko na, siyempre, coming from failed relationships, ayokong madaliin.

“Siyempre it’s something naman na talagang dapat talaga pinag-iisipang mabuti… siyempre, kay Aki, ganyan.

“Although close naman talaga sila, pero huwag nating madaliin yung proseso.”

Si Aki ay ang anak ni LJ sa dating nobyong si Paulo Avelino.

Si Paolo naman ay may dalawang anak na babae sa dati niyang asawa na si Lian Paz.

Magtatatlong taon na ang relasyon nila ni Paolo, hindi ba sila naiinip?

Tugon ng 30-year-old actress, “Tingin ko naman, sa lahat ng babae, iyon ang pangarap.

“Siguro natutunan ko sa buhay, na huwag madaliin ang mga bagay-bagay.

“Sa age kong ito, hindi ka naman papasok sa isang relationship na tingin mo hindi kayo align sa future, di ba?

“So siyempre, yung mga sa future, dapat talagang pag-usapan ‘yan kung nasa isang relationship kayo na seryoso.”

Si Paolo na nga ba ang the one niya?

“Sana naman ano! Ayoko na, ha!” natatawang sagot ni LJ.

Nakausap ng PEP.ph (philippine Entertainment Portal) si LJ sa presscon ng The Cure, ang upcoming prime time series ng GMA-7, kung saan gaganap siya bilang si Katrina.

Ginanap ang presscon sa Le Reve Pool Party Venue and Events Place, sa Quezon City, noong April 17.  

HAPPY KAPUSO. Ikinagulat naman ni LJ na kasama siya sa tatlong natsismis na mag-o-ober da bakod sa ABS-CBN, bukod kina Ryza Cenon at Kylie Padilla.

Saad niya, “Bakit ako?! Ah talaga?”

Renewal this year ng kontrata ni LJ sa GMA-7. Magre-renew ba siya?

“Itanong po natin sa kanila kung ire-renew nila ako!” at tumawa si LJ.

Malaki raw ang chance na magre-renew siya ng kontrata sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, of course!”

Gaano siya kasaya bilang Kapuso?

“I am very happy, it’s an environment na relaxed ako, confident ako.

“Happy ako at nabibigyan naman nila talaga ako ng mga challenges sa work.

“Iyon naman ang isa sa mga gusto ko talaga, yung natsa-challenge ako sa trabaho.”

Kapamilya na si Ryza ngayon. May offer ba kay LJ ang ABS-CBN?

“Wala, wala naman. Wala, wala talaga.”

Kung may offer, lilipat siya?

“Renewal ako, huwag kayong magulo!” at muling tumawa si LJ.

“Hindi, ako naman, siyempre hindi ka magsasalita nang tapos, pero ako ngayon, dito ako, sa GMA ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN