Angel Locsin and Neil Arce feel lucky to have each other

IMAGE Courtesy: @neil_arce / @therealangellocsin on Instagram

Masuwerte raw si Angel Locsin na si Neil Arce ang kanyang naging boyfriend. Ngunit ayon sa negosyante, siya ang mas masuwerte at nakilala niya at naging nobya si Angel. 


Ipinagdiwang ni Angel Locsin ang kanyang ika-33 kaarawan noong Lunes, April 23.

Nagkaroon ng isang simpleng pagdiriwang ang Pilipinas Got Talent judge at itinuturing na “best birthday” niya ang taong ito.

Pinasalamatan ng Kapamilya actress ang lahat ng mga malalapit sa kanya, lalo na ang boyfriend niyang businessman na si Neil Arce.

Ngunit ang ikinakilig ng followers ng dalawa ay ang mensahe ni Neil para sa nobya.

Mensahe ni Neil sa kanyang Instagram post: “Happy Birthday my Love! You’ve lived your life making sure everyone around you is happy and well.

“You truly deserve every blessing you have received. Getting to know you even more makes me realize kung gaano ka bagay yung name mo sa’yo :) Happy, happy birthday.”

Sagot ni Angel, “Ang swerte ko talaga sa ’yo. Thank you, mahal.”

Ayon naman kay Neil, mas masuwerte siyang naging girlfriend niya si Angel.



Stories We Are Tracking

Angel Locsin posts photo of BF Neil Arce giving her a kiss
Angel Locsin posts photo of BF Neil Arce giving her a kiss
Angel Locsin finally admits real score with Neil Arce
Angel Locsin finally admits real score with Neil Arce


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN