Dennis Trillo expresses love for Jennylyn Mercado via Instagram

IMAGE Courtesy: @dennistrillo / @mercadojenny on Instagram

Kinilig ang maraming fans dahil sa pagtawag ni Dennis Trillo sa girlfriend niyang si Jennylyn Mercado ng "mahal."


Pinakilig nang husto ni Dennis Trillo ang fans nila ng nobyang si Jennylyn Mercado na DenJen.

Nagpahiwatig kasi ang The One That Got Away actor ng kanyang labis na pagmamahal sa Kapuso actress sa pamamagitan ng social media.

Sa Instagram post ni Jennylyn kahapon, April 25, ibinahagi niya ang kanyang look sa isang event na kanyang dinaluhan.

Kaagad namang nag-comment si Dennis sa post na ito ni Jennylyn.

Sabi ng aktor, “Ang ganda naman talaga ng mahal ko.”

Sinagot naman ito ni Jennylyn ng “kiss” emoticons.


Hindi naman naiwasan ng ilang DenJen fans na maghayag ng kanilang “kilig” sa dalawa.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:






 

May mga artista ding nagsabing sobrang ganda daw ng The Cure star.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN