Paul Salas calls out reporter who asked Barbie Imperial if his parents approve of her: "Panira ka."

IMAGE Instagram

Paul Salas did not mince words in his tweet criticizing an entertainment reporter who asked his girlfriend, Barbie Imperial, if the actor's parents approve of her. 


Hindi nagustuhan ni Paul Salas ang tanong ng isang reporter sa kanyang girlfriend na si Barbie Imperial sa press conference ng upcoming ABS-CBN drama series na Araw Gabi.

Sa kanyang Twitter account nitong Miyerkules, April 25, in-attach ni Paul ang screenshot ng artikulong lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na may titulong "Barbie Imperial on JM de Guzman: 'Ngayong sobrang close kami.'"


Stories We Are Tracking

Barbie Imperial on JM de Guzman: Ngayon sobrang close kami.
Barbie Imperial on JM de Guzman: Ngayon sobrang close kami.

Ang binigyang pansin ni Paul sa artikulo ay ang anggulo kung saan tinanong si Barbie kung boto ba sa kanya ang mga magulang ng nobyo.

Tweet ni Paul: “Sinong reporter nagtatanong kay barbie ng ganito? Sa totoo lang kung sino ka man panira ka.”

Dugtong pa ng dating child star, “Okay na okay ang parents ko kay barbie so kung sino man mga nagtatanong ng mga questions na ganyan please shut the f*ck up good night”

Nakatanggap naman ng suporta si Paul mula sa kanyang followers sa Twitter.

Kasunod nito, nag-post ng isa pang mensahe sa Twitter angbinatang aktor ngayong Huwebes, April 26.

Sabi niya, “Paul Salas will say what he wants to say.”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN