Glydel Mercado claims she got scammed by an online company

IMAGE Mark Atienza

Glydel Mercado posts on social media about Brainiacs, an online company with a listed address in the US, where she bought a projector from, but did not receive any product after full payment. 


Nabiktima diumano ng isang online company ang aktres na si Glydel Mercado.

Sa Facebook account ng aktres kahapon, April 26, nag-post siya ng isang warning message tungkol sa online company na Brainiac na nang-scam diumano sa kanya.

Ayon kay Glydel, niloko siya ng naturang online company dahil apat na buwan na ang dumaan mula nang bayaran niya ang projector na kanyang inorder, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito natatanggap.

Parati naman daw niya itong pina-follow up, pero wala pa rin daw ang projector na binayaran niya.

Heto ang post ni Glydel:

“Warning!!! Dont order any product from this website!This is a BIG SCAM!

“I ordered a product from them( a projector)last Jan 2018 and havent received my order but I already paid for it thru my credit card, I keep updating them thru my email and even gave me a tracking number but they keep sending an automated answer,and I messaged them again last week and now they're not answering my messages,What a waste of time and money!

“You can type Brainiacs Shop Review in your google bar and you will see many complaints from customers like what happened to me,Thanks!

“Please Spread these so people can be warned! Thanks!”

Sinundan pa ito ng aktres ng isa pang post at humihingi siya ng tulong sa netizens na nakakaalam ng address ng online company na nang-scam sa kanya.

“This is the address of this Brainiacs company, I dont know if this is a legit address but if there's anyone living near this place can I just request a big favor to check this place if this is a real Brainiacs company? Many Thanks!”

Ang address na ipinost ni Glydel ay nasa bansang Estados Unidos.

Ni-repost din ng aktres ang mga ito sa kanyang Instagram account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Warning!!!

A post shared by Liza Gutierrez (@glydelmercado) on

This is the address of that Brainiacs shop! This is a Big Scam!

A post shared by Liza Gutierrez (@glydelmercado) on

Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Glydel upang hingin ang buong kuwento ng pangyayari.

At press time ay hinihintay pa namin ang kanyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN