Heart Evangelista on being a celebrity: "My life isn't perfect."

IMAGE Instagram (@iamhearte)

Heart Evangelista rectifies a netizen's perception that celebrities have an easy life. "Life isn't always beautiful the way you see it in magazines or on social media," she says. 


Sinagot ni Heart Evangelista ang isang netizen na nag-comment nang sunud-sunod sa isang Instagram post ng Kapuso actress.

Ngayong Biyernes, April 27, nag-post si Heart ng picture ng isang kahon ng products na ibinigay sa kanya ng isang kilalang lipstick brand.

Sa comments section, isang netizen ang nagkomento tungkol sa “privilege” ng mga artista na nakakakuha ng mga libreng bagay nang hindi kailangang paghirapan pa, kahit may kakayanan naman silang magbayad.

Sabi ng netizen, “Bat ganon pag mayaman andaming privilege libre lahat basta sikat, may mukha, kembot lang, konting pose lang, tas makita mo yung mga taong mahirap pagkain nalang di pa makabili.”

Ayon pa sa netizen, unfair daw na kahit natutulog ang artista ay binabayaran pa rin.

Hindi raw ito makatarungan, halimbawa ay ang nakuhang products ni Heart na hindi na niya kailangang maghirap.


Napansin ini Heart ang komento ng netizen at sinagot niya ito.

Ikinalulungkot daw ng 33-year-old actress kung ganun ang nararamdaman ng netizen, pero nilinaw niyang hindi rin madali ang buhay ng isang artista.

Paliwanag ni Heart, hindi lahat ng pinagdadaanan ng mga artistang kagaya niya ay kasing ganda ng mga kuha nila sa magazine.

Diin niya, nakakaranas din sila ng paghihirap.

“If it makes you feel better think of all the things we had to go through work hard to earn all these things... life isn’t always beautiful the way you see it in magazines or on social media :)

“Life is also hard and we all have our battles to face :)

“My life isn’t perfect :)”

Dagdag ni Heart, “It just so happens I know better so i smile when sometimes I feel like crying :) don’t hurt ... make it inspire you to work harder because anything is possible.”


Nagbigay pa ng words of encouragement si Heart sa netizen.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN