Daniel Padilla hints at duration of relationship with Kathryn Bernardo: "Mahaba na rin... six years."

IMAGE Daniel Padilla Instagram

Daniel Padilla on status of relationship with of Kathryn Bernardo: "Very happy as always."


Tahimik at masaya ang itinatakbo ng relasyon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Sabi nga ni Daniel, “We’re very happy as always, yun lang naman ang sikreto, kasiyahan.

“Dapat kang maging masaya, huwag ka lang mananapak.”

Masasabing matatag ang tambalang KathNiel, kaya payo ni Daniel, “Stick to your love team, boys!”

Kamakailan ay nagkaroon ng story conference ang pelikulang pagtatambalan muli nila ni Kathryn.

Excited si Daniel sa pelikula na ayon sa kanya ay marami ang makaka-relate at magkakagusto.  

Aniya, “Sobrang relate, sabi ko nga, kami ni Kathryn, mahaba na rin... six years yung relationship.

“Ganun yung tema ng movie… kapag matagal nang magnobya o mag-partner, nararamdaman natin na wala na yung kilig.

“'Hindi ko na ba siya mahal?’ Dito ipapakita, ako mismo, ipapakita ko rin kung ano ang masasabi ko doon.”

Labis din daw ikinasisiya ni Daniel na si Cathy Garcia-Molina muli ang direktor ng tambalang KathNiel sa bago nilang pelikula.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Daniel sa ASAP nung nakaraang Linggo, April 22.

MEETING HIS GRANDPA. Hanggang ngayon ay labis pa rin ang tuwa ni Daniel sa pagkikita nila ng maternal grandfather niya sa Amerika nang nag-show sila roon ni Kathryn ilang linggo na ang nakalilipas.

Masayang ibinahagi ni Daniel na bumiyahe pa mula sa Philadelphia, Pennsylvania ang lolo niyang si Raymond Ford at ang tiyuhin niyang si Ian Ford para mapanood ang show nila ni Kathryn sa New Jersey.

Tatay ni Karla Estrada si Raymond at kapatid ng actress-TV host si Ian.

Kuwento ni Daniel, “It’s really amazing lalo na para kay Mama na mangyari yung papa niya, kaming dalawa.

“Ang sarap ng feeling na kahit na anong materyal, walang kapalit.

“Nagkikita kami dito sa Manila, pero first time kaming nag-meet sa America, first time niya akong napanood na mag-show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang saya kasi, siyempre, lolo ko yun, saka at least na-meet ko ang tito ko, kapatid ng ermat ko.

“Mga barkada nila, mga tropapits niya doon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN