KC Montero gets his first "indecent proposal"

IMAGE Noel Orsal

Last April 23, on his Instagram account, KC Montero shared his online conversation with a netizen who offered him P20,000 for his services as a male escort. His reaction was hilarious.


Masayang ipinagmalaki ni KC Montero na sa wakas ay nakatanggap na siya ng kanyang kauna-unahang “indecent proposal.”

Sa kanyang Instagram account last April 23, ipinost niya ang chat nila ng isang netizen na nagngangalang RJAY na nag-offer sa kanya ng P20,000 para maging male escort.

“After many years in the business I finally received my first indecent proposal. I have arrived,” masayang caption pa ni KC.

Noong una, akala raw ni KC ay gusto siyang kunin ni RJAY para mag-host ng isang wedding.

Yun pala ay ang pagiging male escort ang hanap ni RJAY sa kanya.

Prinesyuhan daw muna siya nito ng P20,000 para sa one-night stand.

Para raw nainsulto si KC dahil 20K lang daw ang halaga niya.

Noong tinaasan ni RJAY to 80K ang fee, sinabi ni KC na hindi siya escort.

Nag-apologize naman si RJAY dahil akala niya ay puwede si KC.

Dahil kilala si KC sa kanyang kakaibang humor, nirekomenda niya bilang mga escorts ang kuya niyang si Troy Montero at ang mga kaibigan niyang sina Kris Lawrence at JayR.

Hindi na niya sinama sa recommended escorts si Billy Crawford dahil kakakasal lang daw nito kay Coleen Garcia kaya off the market na raw ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN