Dani Barretto slams basher who compared her looks to half-siblings

IMAGE Instagram photo of Dani Barretto

Julia Barretto (right) tells sister Dani Barretto (left): "Don't let them get to you. You're beautiful, let no one tell you otherwise."


Sa gitna ng mga panghuhusga sa kanyang nakatatandang kapatid na si Dani Barretto, nagpakita ng suporta ang Kapamilya actress na si Julia Barretto sa ate niya.

Si Dani ay half sister ni Julia. Siya ay anak ng aktres na si Marjorie Barretto sa dati nitong boyfriend na si Kier Legaspi.

Si Julia naman ang panganay na anak ni Marjorie sa dating asawang si Dennis Padilla. Siya ay may dalawang nakababatang kapatid—sina Claudia at Leon.

Sa pamamagitan ng Twitter, hindi napigilan ni Dani mag-react sa pumupuna sa kanya dahil hindi raw sila magkamukha ni Julia.

Sabi ni Dani sa kanyang tweet ngayong Lunes, April 30, "Kung maka bash kala mo life and death situation pag hindi ko kamukha mga kapatid ko eh.

“Can we all just mind our own business and be happy with our lives? You bashers should try it. Its good for the soul. ”

Agad namang nagpakita ng suporta si Julia sa pamamagitan ng pag-reply sa tweet ng kanyang ate.

Ani Julia, "How could anyone bash someone whose soul is as beautiful and as kind as yours?

“Don’t let them get to you. You’re beautiful let no one tell you otherwise ”

Love you ?? @juliabarretto

A post shared by Danielle (@danibarretto) on


Stories We Are Tracking

Dani Barretto not jealous of half-sister Julia
Dani Barretto not jealous of half-sister Julia


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN