Drew Arellano sets limits on exposing son Primo in social media

IMAGE Nerisa Almo

Being a parent, Drew Arellano can't help show off in social media the cute antics of his son Primo—up to a point. "There will always be limitations… we choose din naman what not to post. There's no rule book, we're gonna play it by ear na lang. What matters the most is that whatever we believe in, that's what we believe in. It's our kid, and we know better," he says.


Hindi raw inakala ni Drew Arellano na magiging popular sa social media ang panganay na anak nila ni Iya Villania na si Primo.

Aniya, “It's funny because we never really expected naman, you know, the popularity of Primo to be this big.”

Tulad lang daw sila ng maraming parents na ikinatutuwa ang pagpu-post ng pictures at video ng kanilang anak.

Kuwento nga ni Drew tungkol kay Primo, “Yung demeanor niya kasi, e, parang he's such a happy kid.

"So it's easy for me to capture that moment whenever he's eating nutripops or when he's taking a bath and he's having fun or when he's with the mom and playing sa mat.

“It's just easy for me to take shots and post everything sa social media.

“Parang it's gonna be such a shame or parang it's gonna be a sin not to share it.”

Pero naiisip din daw niya, “Siyempre, kaming parents, hindi namin alam... 'Teka, nakyu-cute-an ako sa anak natin dahil ako yung tatay at ikaw ang nanay niyan.'

"I guess, yung mga few friends natin sinasabi nila, but we're not very sure kung cute talaga.

“But then, the reactions of people nga that we don't know, 'Ah, ang cute-cute.'

“I guess cute nga yung bata.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling entertainmentt reporters si Drew noong Sabado, April 28, sa launch ng bagong produktong iniendorso nila ni Primo, ang Cerelac.

LIMITATIONS. Bilang magulang, may boundary raw sina Drew at Iya sa mga ibinabahagi nila tungkol sa kanilang anak.

Lahad ni Drew, “Of course, there will always be limitations.

“Of course, we talk about it, we choose din naman what not to post.

“There's no rule book, we're gonna play it by ear na lang...

"What matters the most is that whatever we believe in, that's what we believe in.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's our kid, and we know better.”

Pagdating naman sa mga negatibong komento mula sa netizens, ipinagkikibit-balikat na lang daw niya ang mga ito.

Katuwiran ng Kapuso TV host, “Ever since before naman, wala pa kaming baby, social media is social media.

“It's such a powerful medium, e, anyone can comment.

“There are pros and cons with that power. It's just a matter of dealing with it.

“We don't really have to reply. It's really up to you if you wanna screen it."


Stories We Are Tracking

Iya Villania addresses
Iya Villania addresses "funny concern" about Primo's clothes
Iya Villania is pregnant and doing a headstand
Iya Villania is pregnant and doing a headstand

My circle of life.

A post shared by Drew Arellano (@drewarellano) on

GETTING READY FOR SECOND BABY. Samantala, kasalukuyang ipinagbubuntis ni Iya ang ikalawang anak nila ni Drew. Lalaki ang inaasahan nilang magiging kapatid ni Primo.

Bagamat tila halos nakapag-adjust na sila sa pagiging magulang sa kanilang unang anak, aminado si Drew na hindi ibig sabihin nito ay handa na sila sa paparating na second baby.

Sabi niya, “Ang daming simple stuff and ang daming complex, e, na nare-realize mo na lang na nagkaroon ka ng anak.

“Like I've mentioned kanina, you'll never get ready, you'll never be ready until the moment comes.

“It's through experience and frequency, doon ka masasanay.

“Dati takot akong magbuhat ng bata kasi it's so fragile.

“Ngayon, it's so automatic all the movement 'cause you've been doing it.”

Sa palagay kaya ni Drew magiging popular din ang second baby boy nila ni Iya katulad ni Primo?

“Primo is a bonus naman, e. Primo is a bonus, so I really don't know.

“We have no idea. As in we never talked about it, never,” pagtatapos ni Drew.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN