Aicelle Santos mourns the passing of her grandfather

IMAGE Courtesy: @aicellesantos on Instagram

Ipinanawagan ni Aicelle Santos, sa pamamagitan ng Twitter, ang maling nasulat sa isang online site, tungkol sa pagpanaw ng kanyang lolo. Nakalagay kasi sa artikulo na ang lolo ng boyfriend niyang si Mark Zambrano ang pumanaw. 


Ipinagluluksa ng singer na si Aicelle Santos ang pagpanaw ng kanyang lolo noong nakaraang Linggo, April 29.

Kasalukuyang nasa United Kingdom ang Kapuso star dahil sa Miss Saigon tour, kung saaan ginagampanan niya ang role na Gigi Van Tranh.

Kaya idinaan na lamang niya sa Instagram ang kanyang pangungulila sa 91-year-old niyang lolo.

Sa post ni Aicelle, sinabi niyang, “Pahinga ka na po Lolo. I will miss you… Mahal na mahal po kita...”

Nakiramay naman kaagad kay Aicelle ang mga kaibigan sa showbiz at ang boyfriend na si Mark Zambrano.




Noong nakaraang taon ay pormal na ipinakilala ni Aicelle si Mark sa kanyang lolo at lola na nakatira sa Batangas.

Nataon pang birthday iyon ng kanyang lolo.

Kuwento ni Aicelle sa kanyang Instagram post noon, hiningi niya ang blessing ng kanyang grandparents kung puwede na ba siyang mag-asawa.

Umoo ang kanyang kanyang lolo at sinabi pa kay Aicelle: “Aba’y overage ka na!”

Sabi ng Kapuso singer sa caption: “Lolo's still sharp at 90! Happy Birthday Lolo! Blessings of total healing and a long and healthy life!”


Stories We Are Tracking

Aicelle Santos, Mark Zambrano celebrate first anniversary
Aicelle Santos, Mark Zambrano celebrate first anniversary

WRONG INFO. Sa kabilang banda, ikinaalarma naman ni Aicelle ang artikulong lumabas sa GMA News Online.

Ayon kasi sa article, ang lolo ng boyfriend na si Mark ang namatay at siya ang nakikiramay rito.

Sa pamamagitan ng Twitter, ipinaalam ng singer na mali ang impormasyong naisulat nila.

“Please this is wrong info. It's my lolo who died…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN