Kris Aquino will only enter into another relationship if it's "Bimby approved"

IMAGE Photo grabbed from You Tube

Kris Aquino is hopeful that she will never be betrayed again when it comes to relationship. "I think we have been betrayed too many times," she says to son Bimby.


Inamin ni Kris Aquino,47, na gusto pa niyang magkaroon muli ng relasyon, pero dapat ay aprubado ito ng bunsong anak na si Bimby Aquino Yap, 11.

Sa latest social media video na in-upload ni Kris na may titulong Unscripted With Kris, kung saan nagsilbing host si Bimby, tinanong ng bata ang kanyang ina tungkol sa pag-ibig.

Isa sa mga naunang lovelife-related questions ni Bimby ay kung sino ang first love ng TV host-actress.

Napatigil si Kris, pero nagbigay ng clue si Bimby: “A… a… a… Al…”

Sabat ni Kris, “Bimb, nananahimik. Happily married, let’s keep it that way.”

Kabilang sa mga kilalang personalidad na na-link kay Kris ay sina Alvin Patrimonio, Aga Muhlach, Gabby Concepcion, Robin Padilla, Phillip Salvador, Joey Marquez, at James Yap.

Nagkaroon ng anak si Kris kina Phillip (ama ni Joshua) at James (ama ni Bimby).


Stories We Are Tracking

LOOK BACK: Kris Aquino's controversial relationships
LOOK BACK: Kris Aquino's controversial relationships

KRIS IN ANOTHER RELATIONSHIP? Tanong pa ni Bimby kay Kris, “Would you want another relationship in the future?”

Sagot ni Kris, “Yes, of course. Only if he is Bimby approved. With the Bimb’s seal of approval.”  

Magmamahal pa raw ba siya muli?

“Are you letting me?” balik-tanong ni Kris sa anak.

Umoo si Bimby.

“Then I will,” sabi ni Kris.  

Sinabi rin ni Kris na kung magmamahal siyang muli ay pangalawa lang siya sa kanyang mga anak.

“I think anybody who will enter our lives will accept the fact that you guys [Bimby and Joshua] come first and he will only come second."

Magiging mahirap daw ito para sa sinumang magiging karelasyon niya.

Sabi pa ni Kris, “For anybody to be in a relationship with me, because having a relationship with Kris Aquino means having a relationship with the entire Philippines.” 

Sabat naman ni Bimby, "Yay! That means you will never get a boyfriend!"

Tanong pa ni Bimby sa ina, “Will you ever be betrayed again?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Kris, “Quota na si Mama.

"I think we have been betrayed too many times, dude.

“No, but God, I think will grant us someone good, finally.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN