Vice Ganda to those against same-sex relationship: "Saan nanggagaling ang hate?"

IMAGE Allan Sancon

Vice Ganda: "Everyone deserves to be happy and that includes me. Kaya sana, pag happy ako, hayaan niyo naman ako din. Kaya nga minsan, ang sama-sama ng loob ko, pinapa-happy ko naman kayo, a."


Nanawagan si Vice Ganda sa mga netizen na kontra sa same-sex relationships na lawakan ang kanilang pang-unawa tungkol dito.

Idinaan niya ang kanyang apela sa "Tawag ng Tanghalan" segment ng It’s Showtime kahapon, May 1.

Nagkataon kasing ang isang contestant na babae ay may karelasyong tomboy.

Panimula ng Kapamilya star, “Marami na namang mga tao na magri-react na, ‘Yuck, naku tomboy, babae.’

“Kamakailan lang kasi, meron akong nakaharutan sa Twitter, na kaibigan ko naman.

“Na hindi nila alam na sinasadya naming magharutan para lang maiba ang vibes sa Twitter.

"Kasi lately, may mga nag-aaway sa social media.

“Sabi namin, ‘Ang nega-nega sa social media, halika magharutan tayo sa Twitter, pampasaya lang, pampakilig, pampa-laugh trip.’

“So, nagharutan kami.

"Lalaki yung kaharutan ko sa Twitter. Nagpapalitan kami ng mga hugot lines.”

Ang tinutukoy ni Vice na kaharutan niya ay si Manuel Andrei Medina ng University of Sto. Tomas Men’s Volleyball team.

Nangyari ang sinadya nilang harutan noong April 24.


Stories We Are Tracking

Vice Ganda
Vice Ganda "flirts" with UST volleyball player via Twitter

Dito ay naglabas na si Vice ng kanyang sama ng loob.

Patuloy niya, “'Tapos yung mga reaction ng mga tao, ‘Yuck, bakla.’

“At yung lalaki, ‘Naku, manggagamit 'yan, peperahan lang.’

"Sabi ko, “Ba't ganun ang utak ng mga tao? Hindi ba talaga puwede yung babae, tomboy, lalaki, bakla?

"At saka at saan nanggaling yung hate ninyo?

“Ang tanong, kapag may ganitong relasyon, nakakaapekto ba sila sa pamilya ninyo?

“Nakakaapekto ba sila sa buhay ninyo?

"Naghihirap ba kayo kapag may lalaki at baklang naging mag-dyowa? O babae at lalaking nagmamahalan, di ba?

"Nakakaapekto ba ito sa mga buhay ninyo? Di ba, hindi naman? Saan nanggagaling ang hate?"

Sabi pa ni Vice, "Why don’t we just allow everyone to be happy? Di ba, kung gusto niyong maging happy, be happy.

"Kung gusto naming maging happy, be happy.

"Kaya nga minsan, ang sama-sama ng loob ko, pinapa-happy ko naman kayo, a.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana... everyone deserves to be happy, and that includes me.

"Kaya sana, pag happy ako, hayaan niyo naman ako din.

"Hayaan niyo naman ako, please.

"Hayaan niyo naman kami kasi hindi naman namin kayo inaapektuhan in a very negative way."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN