Diego Loyzaga's non-showbiz friend speaks up about real score with actor

IMAGE Instagram (@diegoloyzaga)

Chelsea Ronquillo, the non-showbiz girl with Diego Loyzaga on his IG post, has this to say about speculations that they are in a relationship: "Nothing wrong with catching up with the ones you haven't seen in so long."


Nilinaw ng non-showbiz girl na nali-link ngayon kay Diego Loyzaga kung ano ang tunay na ugnayan nila ng Kapamilya young actor.

Ito ay kasunod ng pagpu-post ni Diego sa Instagram noong Lunes, April 30, ng isang larawan kung saan katabi niya ang isang babae.

Tila kuha ang larawan sa isang resort.

Base sa kanyang Instagram post, ang pangalan ng babaeng kasama ni Diego ay Chelsea Ronquillo.

Nag-react naman ang netizens na nakakita ng larawan, partikular na ang mga tagahanga ni Diego at ni Sofia Andres.

Matagal na kasing napababalitang may relasyon umano ang dating magka-love team.

Pero sa comments section, diretsahang sinabi ni Diego na walang namamagitan sa kanila ni Sofia.

Ibinuko rin ng aktor na may boyfriend na si Sofia.


Stories We Are Tracking

Diego Loyzaga tells netizens to quit linking him to Sofia
Diego Loyzaga tells netizens to quit linking him to Sofia

CHELSEA REACTS. Sa kanyang sariling Instagram account, ipinost din ni Chelsea ang larawan nila ni Diego.

Sa caption, tila sinagot niya ang espekulasyong may namamagitan sa kanila ng aktor

Caption niya rito: “Think watchu wanna think, we all know what it is since 2011, much love”

Sa comments section, nagbiruan pa sina Diego at Chelsea.

Nag-comment ang aktor na "girlfriend" na pala niya ngayon ang dalaga.

Sagot naman ni Chelsea: “HAHAHAHAH ang laughtrip!”


Isang netizen naman ang nagkomento nais ipaunawa nina Diego at Chelsea na hindi maganda ang mang-bash.

Sagot ni Chelsea: "exactly our point. Nothing wrong with catching up with the ones you haven’t seen in so long."


 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN