Angeline Quinto accused by Sarah Geronimo fans of mocking their idol

IMAGE Instagram (@deniseochoa @loveangelinequinto

Angeline Quinto (right) answers Popsters, fans of Sarah Geronimo (left), who is accusing her and Morisette Amon of laughing at a video of the Pop Princess crying during her concert.


Inalmahan ni Angeline Quinto ang akusasyon sa kanya ng ilang Popsters—tawag sa fans ni Sarah Geronimo—na may video umano sila ni Morisette Amon na pinagtatawanan si Sarah dahil sa pag-iyak nito sa concert niya sa Las Vegas.

Tinawag pa raw nilang “pabebe” ang Popstar Princess.

Sunud-sunod ang tweets ni Angeline ngayong Huwebes, May 3, upang pabulaanan ang akusasyon laban sa kanila.

Base sa tweets ni Angeline, may taga-ASAP, ang Sunday musical-variety show ng ABS-CBN, ang nakakuha umano ng video nila ni Morisette habang pinagtatawanan si Sarah.

Ayon sa Kapamilya singer, mataas ang respeto niya kay Sarah at sa mga tagasuporta nito kaya hindi niya magagawa ang ibinibintang sa kanya.

Nakiusap din si Angeline na ilabas ang video at iharap ang staff member ng ASAP na nakakita umano sa kanila ni Morisette na pinagtatawanan si Sarah.

“Nakikiusap ako, ilabas niyo ang video,iharap niyo sa akin ang taong sinasabi niyo na staff ng abs-cbn nakikiusap ako sainyo Popsters. Ngayon lang ako makikiusap sainyo,” tweet ni Angeline.

Paliwanag pa ni Angeline, imposibleng mangyari ang ibinibintang sa kanila ni Morisette dahil nalaman lang niya ang tungkol sa pag-iyak ni Sarah noong Lunes, April 30, isang araw pagkatapos ng ASAP episode kung saan daw nakunan ang video.  

Ipinagtanggol din ni Angeline si Morisette, na nadadamay sa maling bintang

Masakit man daw ang mga pinagsasasabi sa kanya, irerespeto pa rin daw ni Angeline ang Popsters.

Tinatanggap din daw ni Angeline ang masasakit na salita sa kanya ng Popsters, kagaya ng hindi nakapag-solo concert na soldout, tomboy, at hindi sikat.

Nirerespeto raw kasi niya ang fans ni Sarah.

“Tatanggapin ko lahat yan dahil nirerespeto ko ang iniidolo niyo. Sa ginagawa ko ngayon mas nahihiya ako kay Sarah.”


Stories We Are Tracking

Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Matteo posts message of support for Sarah after breakdown
Matteo posts message of support for Sarah after breakdown


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN