Luis Manzano welcomes mom Vilma Santos on Instagram with throwback photo

IMAGE Noel Orsal / @luckymanzano on Instagram

Gumawa na ng Instagram account (@vilmasantosrecto) ang Star for All Seasons na si Vilma Santos para sa kanyang fans at constituents. Sa kasalukuyan, isa pa lang ang pina-follow niya—ang anak na si Luis Manzano.


Bibihira sa mga beteranong artista o singers ang gumagamit ng social media.

Ang mga baguhan naman at matagal na sa industriya na mahilig sa internet ay gumagamit ng social media para i-promote sa fans ang kanilang mga paparating na proyekto.

Kahapon, May 2, gumawa na ang Star for All Seasons at Lipa, Batangas representative na si Vilma Santos ng kanyang sariling Instagram account.

Ang gamit na handle ni Vilma sa kanyang account ay @vilmasantosrecto.

Sa unang post ni Vilma—o mas kilala bilang Ate Vi sa showbiz—ipinaalam niya sa kanyang anak na si Luis Manzano at sa mga Vilmanian na mayroon na siyang account.

Sabi niya sa caption, “SON @luckymanzanoand my #Vilmanians, I’M ON INSTAGRAM NA!”

MY SON @luckymanzano and my #Vilmanians, I’M ON INSTAGRAM NA!

A post shared by Ate Vi (@vilmasantosrecto) on

Sa ngayon, mayroon na siyang 3,800-plus followers, pero isa pa lang ang kanyang pina-follow—ang anak na si Luis.

Ngayong Huwebes, May 3, winelcome naman ni Luis ang ina sa Instagram sa pamamagitan ng isang throwback photo.

Sa larawan, makikitang karga-karga ni Vilma ang bata pa lamang noong si Luis.

Caption dito ng I Can See Your Voice host, “Momskie @vilmasantosrecto, welcome to the wonderful world of Instagram!

"And for your first IG tutorial—THROWBACK—ng patunay na noon pa man, ibang level ang hotness ko! Btw, yang hawak ko ay He-Man sword na dala ko kahit saan dati.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN