Amy Perez on being dragged into Sarah-Angeline-Morissette issue: "Wag mangdamay ng ibang tao."

IMAGE Instagram

Amy Perez (left) speaks up about being dragged into the issue involving Kapamilya singers Sarah Geronimo (center), Morissette Amon, and Angeline Quinto (right).


Pati si Amy Perez ay nadadawit sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng Kapamilya singers na sina Sarah Geronimo, Morisette Amon, at Angeline Quinto.

May lumabas na akusasyong pinagtawanan umano nina Angeline at Morissette ang video ni Sarah na umiiyak sa kanyang concert sa Las Vegas noong nakaraang linggo.

Una nang pinabulaanan ni Angeline na walang katotohanan ang ibinibintang sa kanila ni Morisette, pero nakaranas pa rin siya ng pambabatikos mula sa ibang Popsters, ang tawag sa fans ni Sarah.


Stories We Are Tracking

Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Angeline accused by Sarah fans of mocking their idol
Angeline accused by Sarah fans of mocking their idol

Via Twitter, sinagot ni Amy ang akusasyong mismong personal assistant (PA) niya diumano nakarinig kay Morissette na pinagtawanan at siniraan daw si Sarah.

Base sa tweets ng netizens, nasaksihan umano ng PA ni Amy ang ginawa ni Morissette sa dressing room ng Umagang Kay Ganda, ang Kapamilya morning show kung saan isa sa mga host si Amy.

Pero paglilinaw ni Amy, wala siyang yaya o PA.

“kahit Driver wala! I always go to work alone,” bahagi ng tweet ng host noong Huwebes, May 3.

Banat pa niya, “Whoever came up with that story I want to talk to you personally para ma gabayan kita.”  

Nag-tweet pa si Amy na tigilan ang pang-aaway at pandadamay ng ibang tao.

Aniya, “We love Sarah and we pray that she will be ok. Wag din tayo mang damay ng ibang tao pls.”

Ibinahagi pa ni Amy ang screenshot ng akusasyon kina Angeline at Morissette.

May nakarinig daw kay Angeline sa taping ng game show na I Can See Your Voice na pinagtawanan si Sarah at tinawag umanong "pabebe."

Isa si Angeline sa mga panel sa naturang reality show ng ABS-CBN na hinu-host ni Luis Manzano.

Mababasa rin sa sagot ni Amy sa nagpadala sa kanya ng message na hindi ganoon ang pagkakakilala niya kina Angeline at Morisette.

Sa tweet ay muling pinasinungalingan ni Amy ang insidente sa UKG at inulit na wala siyang PA, na itinuturong source umano ng balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I'm praying na sana matigil na ang hate messages. Spread love and kindness to all,” tweet ng host.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN