Aiza Seguerra turns his back on politics: "I like the public service part, but the politics, not my style."

IMAGE Aiza Seguerra National Youth Commission

Aiza Seguerra is leaving politics without any regrets. He admits that his stint as chairman of the National Youth Commission has broadened his perspective about government: "Nakita ko na marami palang mabait, maraming masipag, maraming hard-working. Pero nakita ko rin na iba ang case ng crab mentality within, may ganun."


“No regrets,” ang pakli ni Aiza Seguerra sa tanong kung nagsisi siya na pinasok niya ang public service bilang chairman ng National Youth Commission (NYC) kunsaan nag-resign siya kamakailan.
 
Ayon pa sa kanya, “I’ve always lived my life naman na… I may have wrong decisions, pero walang regrets.”
 
Kung sakali at muli siyang alukin ng posisyon sa gobyerno, tatanggapin pa niya ito?
 
“Masaya ‘kong kumakanta,” ang natawang sagot ng singer na kilala ngayon sa kanyang moniker na Ice.

Kung wala siyang pagsisi, na-disillusion ba siya? 
 
“No,” saad naman niya.
 
Alam kasi ng mga nakakakilala sa kanya ang passion at paniniwala ni Aiza lalo na sa gobyerno ngayon.
 
Pagklaro niya, “Well, nandoon pa rin.

“Hindi naman nawala yun. 

“Actually, mas nakita ko pa nga, e.

"Pero mas lumaki yung spectrum na nakita ko. 

“Kumbaga, before, when you say government, maraming corrupt, maraming ganyan.

“Nakita ko na marami palang mabait, nakita ko na maraming masipag, maraming hard-working.

“Pero nakita ko rin na iba ang case ng crab mentality within.

"May ganun, so talagang napakalawak niya.
 
“It’s really a different animal.

"I like the public service part, but the politics, it’s not my style.

“Hindi ako pang-pulitika, not at all,” lahad niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiza sa media launch ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na nasa ikalawang taon na ngayon.

Nandoon siya para suportahan ang asawa niyang si Liza Diño, ang head ng PPP na siya ring pinuno ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
 
Ginanap ang media launch sa Max’s Restaurant sa Sct. Tuazon, Quezon City kahapon, May 4.
 
A PARTNERSHIP. Ayon kay Aiza, sa kanilang dalawa raw, mas hiyang si Liza sa gobyerno.
 
“Palaban ‘yan, ako talaga, napaka-introvert ko na tao.

“Sa totoo lang, ang ugali ko, kung ayaw mo, ‘wag mo. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But my wife, she’s perfect for the job; she’s very headstrong.

"Kahit ako, napapasunod niya.”
 
May mga natutunan o naituro rin daw kay Aiza ang pagiging bahagi niya ng NYC ng ilang taon.
 
Ayon kay Aiza, “Naituro sa akin ng NYC, number one, everything has collaboration.  

“Kailangan talaga, tayong taong-bayan, may ambag din.

“‘Di ba, meron tayong mentality na umaasa sa gobyerno? Dapat nating mabura yun.

"It should be a partnership between the people and the government to really fix this system. 

“The system is really bad and hangga’t hindi talaga naayos ‘to, walang pagbabago.

“Pero tayo mismo, nakikita mo na parang may iba sa atin na, ‘Sige, ‘yan na ‘yan, e.’

Sa ngayon ay balik recording na nga si Aiza.

Katatapos lang daw niyang mag-record ng apat na kanta at posibleng sa June ay mailalabas na niya ang mga ito sa Spotify.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN