Joross Gamboa on latest speculations about John Lloyd and Ellen: "Bilang lalaki, hindi kami mga pakialamero"

IMAGE Noel Orsal / Instagram @maria.elena.adarna

Joross Gamboa on rumors claiming his friend John Lloyd Cruz is now a dad: "Kasi bilang lalaki, hindi naman kami mga pakialamero, e. Nanganak yung ano ko, wala naman sa kanilang nangialam, wala namang nangumusta. Ganun naman ang mga lalaki, walang pakialam."


Ayaw makialam ni Joross Gamboa sa anumang espekulasyon na sangkot ang kaibigang si John Lloyd Cruz at ang girlfriend nitong si Ellen Adarna.

Kaugnay ito sa kumakalat na balita sa social media na lihim nang nanganak si Ellen kamakailan.

Mula nang maiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 2017, na buntis si Ellen at si John Lloyd ang ama ay hindi nagbigay ng direktang pahayag ang magkasintahan hinggil sa balita.

Ayon kay Joross, kahit na malapit silang magkaibigan ni John Lloyd ay hindi sila nakikialam sa personal na buhay ng isa't isa.    

Paliwanag niya, “Kasi bilang lalaki, hindi naman kami mga pakialamero, e.

“Nanganak yung ano ko, wala naman sa kanilang nangialam, wala namang nangumusta.

“Ganun naman ang mga lalaki, walang pakialam. Kapag nagkita na lang kayo, ‘O, ano kumusta?’

“So, sa akin hindi issue yun. Wala talaga.”  

Wala rin daw siya sa posisyon na magsabi kung pabor siyang mauwi sa kasalan ang relasyon nina John Lloyd at Ellen.

“Sa akin, approve ako kahit sino dahil siya ang papakasalan, hindi ako. So wala akong pakialam.

“Although kahit sabihin mo na tropa ko yung iba, tropa ko si Angelica [Panganiban].

“Pero desisyon niya yun, e. Nandun ako sa kanilang dalawa, pero buhay nila yun. Wala akong magagawa.”

Kung saka-sakali, wala rin namang masama lalo na't parehong single at nasa tamang edad sina John Lloyd at Ellen. 

Ani Joross, "'Tsaka may edad na, kailangan na rin niya mag-asawa sa edad niyang 'to, e. Malay mo nag-jive sila."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joross pagkatapos ng presscon ng CineFilipino entry na Ang Mga Mister Ni Rosario, na ginanap sa Max’s Restaurant sa Quezon City kahapon, May 4.

JOHN LLOYD'S EARLY RETIREMENT? Naging magkakaibigan sina John Lloyd, Joross, Ketchup Eusebio, at ang direktor na si Cathy Garcia-Molina dahil ilang beses silang nagkatrabaho sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph kay Direk Cathy noong Marso, nabanggit nitong hindi na nagulat ang grupo sa desisyon ni John Lloyd na pansamantalang isantabi ang showbiz career nito.


Stories We Are Tracking

Direk Cathy supports John Lloyd's leave from showbiz
Direk Cathy supports John Lloyd's leave from showbiz

Kaugnay ito sa anunsiyo ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, na kumuha si John Lloyd ng “indefinite leave” mula sa kanyang trabaho mula noong October 6, 2017.

Naniniwala si Joross na deserve ni John Lloyd ang magpahinga muna sa showbiz lalo pa't dalawang dekada na rin siyang nasa industriya.

“Nakausap ko na rin siya before pa, bago pa magsimula yung La Luna Sangre, sinu-shoot pa lang namin." 

Ang La Luna Sangre ay ang prime time series, kung saan bahagi ng cast sina John Lloyd at Joross, na umere mula June 19, 2017 hanggang March 2, 2018.

Patuloy ni Joross, “Plano na talaga niya mag-retire this year. Magpa-farm nga siya. Totoo naman, marami akong taong kilalang ganyan.

“Plano niya siguro, baka produce produce siya ng pelikula, at least hawak niya… Yun ang napag-usapan namin kaya hindi ako nagulat.

“He needed that break.”

Maging siya ay panandaliang iniwan ang showbiz noong 2015 upang manirahan sila ng misis niyang si Kathy Saga sa U.S.  

“Kahit ako e, kami ng asawa ko, tumira sa States. Pero siyempre, dahil hindi naman ako John Lloyd, hindi nila napapansin yun.

“Na ilang months tumira ako sa States, lumipat ako ng Canada, nag-focus ako sa family ko.”

ONLY ONE JOHN LLOYD CRUZ. Pero anuman ang gawin ni John Lloyd sa kanyang personal na buhay, hindi na raw dapat gawing “big deal."

Naniniwala rin si Joross na halimbawang magdesisyon ang premyadong aktor na magbalik-showbiz ay siguradong makakagawa pa rin ito ng mga dekalibreng proyekto.

“Kumbaga, ang tao hindi nabubuhay para magtrabaho. Nagtratrabaho lang para mabuhay.

“And he has more than enough. He already has a name talaga.

“Anytime na bumalik siya, siya pa rin si John Lloyd. Wala nang papalit kay John Lloyd."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Are John Lloyd Cruz and Ellen Adarna expecting a baby girl?
Are John Lloyd Cruz and Ellen Adarna expecting a baby girl?
Ellen attends advance birthday party with oversized top
Ellen attends advance birthday party with oversized top
Toni Gonzaga not privy to John Lloyd-Ellen relationship
Toni Gonzaga not privy to John Lloyd-Ellen relationship


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN