Jake Zyrus on dealing with depression: "Hindi mo siya mapipigilan."

IMAGE Noel Orsal

"Na-realize ko na kinailangan ko ng mga time na 'yon is hindi lang yung mga taong makikinig sa akin. Iba po kasi yung mga taong makikinig sa 'yo sa mga taong iintindihin ka," says Jake Zyrus about coping with depression.


Aminado si Jake Zyrus na hindi naging maganda ang pag-handle niya noon sa depression.

“Hindi ko siya hinandle nang maganda, sa totoo lang,” sabi ni Jake sa entertainment reporters na dumalo sa press conference ng kanyang upcoming concert na Music and Me noong Huwebes, May 3.

Dagdag pa niya, “Hindi ko siya na-handle nang maganda dahil obviously dumating ako sa point na marahas talaga like, suicide and everything, suicide attempts. So I didn't handle it very well.”

Dagdag pa ng 25-year-old transgender singer na hindi rin ganun kadali na labanan ito.

“That's the truth and it's okay,” ani Jake.

“Kasi hindi naman po ako yung superhero na kapag na-feel ko yung depression, kapag dumating sa akin, ang sasabihin ko sa sarili ko, e, 'Oh, I'm strong. Kaya ko 'to.' Hindi po siya ganun kadali.

“Kapag dumaan sa depression, talagang hindi mo siya mapipigilan.

“Yung tipong ang dami mong... Yung tipong nakatulala ka lang at lahat ng weakness mo papasok na sa 'yo at hindi mo siya mapipigilan.”

COMMON AMONG CELEBRITIES. Sa palagay ni Jake, ang depression o anxiety ay madalas na nararanasan ng mga taong nasa show business.

Paliwanag niya, “Bakit tayo nagkaroon ng depression, bakit tayo nagkakaroon ng anxiety and all that?

“Kasi we have issues sa sarili natin na hindi natin mailabas at hindi natin magawan ng paraan dahil...

“Una sa lahat, yung insecurities, yung fear na kung ano ang sasabihin ng ibang tao, especially yung mga artista na nasa showbiz, yun ang pinakamahirap.

“Kapag ang isang singer, artista o celebrity, pinasukan ng depression, yun ang pinakamahirap dahil ang daming taong nakatingin sa 'yo.

“Ang daming taong gustong huhusga sa 'yo, na kapag ipinakita mo yung weakness mo, talo ka.

“Because nasasanay po ang mga tao na kapag ang isang tao ay celebrity, kailangan nakikita nila sa 'yo masaya ka palagi, kailangan nakikita nila sa 'yo nakangiti ka lagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaunting pagod ka, simangot ka, wala na, you're out, so mahirap po talaga.”


Stories We Are Tracking

Jake Zyrus sympathizes with Sarah Geronimo after meltdown
Jake Zyrus sympathizes with Sarah Geronimo after meltdown
Jake Zyrus reveals purpose of posting topless beach photo
Jake Zyrus reveals purpose of posting topless beach photo

SUPPORT GROUP. Umabot raw ang naranasan niyang depression sa puntong sumailalim siya sa psychological therapy. Ngunit hindi raw ito naging madali para sa kanya dahil hirap din siyang magkuwento ng kanyang nararamdaman.

Pero katulad ng ilang showbiz personalities na dumanas ng depression, nakahanap ng ibang paraan si Jake sa pamamagitan ng pagkakaroon ng matibay na support group, na kabibilangan ng mga taong handang makinig.

Pag-alala ni Jake, “Na-realize ko na kinailangan ko ng mga time na 'yon is hindi lang yung mga taong makikinig sa akin.

“Iba po kasi yung mga taong makikinig sa 'yo sa mga taong iintindihin ka.

“Kasi yung iba, makikinig lang sa 'yo and after that, kumbaga, they care but not enough.

“Di ba, parang pakikinggan ka nila pero hindi ka nila naiintindihan hanggang sa ang ending, wala na sa kanila.

“Noong time na 'yon, I was so lucky to have people na noong nag-open ako, naiintindihan talaga nila.

“Yun ang nakakatulong sa lahat kasi doon po nag-umpisa ang lahat, na yung moment na sinabi ko, 'Hindi ko magagawa ang trabaho ko hanggang di ko nakukuha yung magpapasaya sa akin.'”

Ayon kay Jake, kapag dumating sa ganitong punto ang isang celebrity, malaking bagay raw ang pang-unawa mula sa publiko, lalo na sa mga tagahanga.

“Ang kailangan po is hindi lang sa amin para mag-adjust sa ibang tao.

“Ang kailangan is understanding, na when someone go through this thing, you have to understand na tao rin—napapagod, nade-depress, at hindi agad-agad na nagiging okay.

“At hindi natin malalaman kung kailan kasi, siyempre, depende po sa pinagdadaanan ng tao.

“Pero para po sa akin, ang pinakamagandang comfort sa isang tao is you listen and understand. You just listen and understand.”


Stories We Are Tracking

Vice on depression: Andami kong pera, ba't hindi ako masaya?
Vice on depression: Andami kong pera, ba't hindi ako masaya?
Jed Madela overcomes depression:
Jed Madela overcomes depression: "I'm better now."

BETTER NOW. Sa ngayon, masaya si Jake na nalagpasan na niya ang punto na ito sa kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas madali na rin daw siya ngayong magsabi ng kanyang saloobin sa mga tao.

Sabi ni Jake, “Kasi kung hindi ako open, hindi mo ako makakausap regarding sa depression, hindi ko masasabi 'yon, matatakot talaga ako, parang feeling ko baka ang sabihin ng mga tao nag-iinarte ka.

“Di ba, usually, yung mga tao kapag hindi nila nage-gets, sasabihin nila nagda-drama ka lang.

“Pero ngayon, kapag may nagsabi n'on, willing akong ipaglaban dahil pinagdaanan ko talaga.

“At hindi maganda yung path kaya masasabing kong, 'Hindi, you can't take this as a joke talaga.'”


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN