Former D' Bodies member Kat de Santos arrested for possession of illegal drugs

IMAGE Screengrab from 24 Oras Weekend / Courtesy: DZRH on Twitter

Former D' Bodies member Kat de Santos was arrested by operatives of the Quezon City Police District Station 1 earlier this Saturday morning, May 5, for alleged possession of one sachet of shabu.


Arestado ang dating miyembro ng D' Bodies dahil sa possession diumano ng illegal na droga.

Sa isinagawang anti-drugs operation ng Quezon City Police District Station 1 kaninang madaling araw ng Sabado, May 5, naaresto ng pulisya ang dating sexy starlet na si Kat De Santos dahil sa hawak nitong isang sachet diumano ng shabu.

Sa ulat ng 24 Oras Weekend ng GMA ngayong gabi, May 5, nagtangka pa raw diumanong tumakas si Kat matapos ang buy-bust operation ngunit nahuli din siya sa may bandang Tagaytay St., Barangay San Jose, Quezon City.

Base rin sa ulat, dating miyembro diumano si Kat ng Baywalk Bodies ngunit hindi siya talaga kasali sa nasabing grupo.

Ang pinasikat na kanta ng D' Bodies ay ang "Kiliti (Huwag Dyan)."

Bago naging Kat De Santos, unang nagpakilala sa showbiz ang starlet bilang si Pam Lacson.

Noong nabuwag ang D' Bodies, nag-concentrate sa paggawa ng ilang sexy films si Kat.

Kabilang na rito ang Teteng Baliw (2002), Hubad na Multo (2002), at Nena Inosente (2003).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN