Jinkee Pacquiao bashed for flaunting branded clothes on Instagram

IMAGE @jinkeepacquiao on Instagram

Jinkee Pacquiao was recently criticized by her Instagram followers for flaunting her opulent lifestyle. Some of them contend that such an ostentatious display of wealth conflicts with the Christian virtue of humility.


Nasalang ang misis ni Senator Manny Pacquiao sa pamumuna ng ilan sa kanyang mga social media followers dahil sa madalas na pag-post niya ng OOTD shots suot ang mamahaling mga damit, sapatos, bag, at iba pang branded luxury items.

Kinuwestiyon ng ilang followers ni Jinkee Pacquiao ang kanyang sinseridad bilang isang Kristiyano, dahil kahit pa ang caption niya ay tungkol sa pagpapasalamat sa mga biyayang natatanggap ng kanyang pamilya, ang mga photos ay tila pagpapakita ng luho at karangyaan.

Sa kanyang Instagram post kahapon, Sabado, May 5, nag-post si Jinkee ng litrato niyang nakaupo sa couch suot ang pink at white striped dress.

?????Thankful each day! ?????

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on

Ang caption niya  ay, “Thankful each day.”

Isa sa followers niya na may handle name na @kareng3 ay nagkomento na mas maganda sana kung ang mga gratitude posts niya ay hindi nagpi-feature ng mamahaling gamit.

Aniya, “When you post without branded clothes, shoes and bags, your witnessing for Jesus seems more sincere, because they don’t concentrate on expensive stuff but the free gift of salvation from Jesus Christ our Lord.”

Mahinahon namang sumagot si Jinkee dito, at sinabing ang pinaka-importante ay ang kalooban o puso ng isang tao.

@jinkeepacquiao, “@kareng3 the heart of the matter is the matter of the heart.  It’s between you and the lord. All we can do is to love God and others.”

Muli na na namang nagkomento ang kanyang follower.

@kareng3, “@jinkeepacquiao you are right, it is always the position of our heart, but to witness to non believers, I noticed that they concentrate on the material things more than God’s message itself.”

Sumang-ayon ang ibang followers sa punto ni @kareng3.

@lllala333, “@jinkeepacquiao don’t praise God with a poise..You know what I mean…humility 2x”

“[Siguro] much better if you praising God with a veil.”

“The truest love of God is sacrifice…suffering.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

@karlaespinosapalacio, “@kareng3 exactly...no concentrate on the material things more!! Cause harm..i live it..its my testimony..!!! @jinkeepacquiao.”

Ipinagtanggol naman si Jinkee ng kanyang fans.

@ijencabrera, “@jinkeepacquiao please ignore comments like these.  It’s so annoying.  It’s getting out of hand. No one has the right to question your sincerity, your lifestyle, how you live your Christian life and how you will spend your money especially its if your hard earned money.”

@cassiiiieeeeee8, “@kareng3 it’s not their fault kung sobrang yaman nila at kaya nilang magbihis nang ganyan. Alam ng diyos kung ano ang ginagawa mo at ano ang intensiyon mo. I don’t see any wrong of praising God almighty while wearing expensive stuffs.  @jinkeepacquiao keep the faith and God bless you and your family more.”

Hindi na sumagot si Jinkee sa batikos sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN