Lea Salonga calls bashers of Angeline Quinto as "duwag"

IMAGE Noel Orsal

Lea Salonga to Angeline Quinto: "Mas maraming nagmamahal sa iyo keysa hindi. Magpakatatag lang."


Hindi pa rin tinatantanan ng bashers si Angeline Quino hanggang ngayon.

Kagabi, May 5, isang netizen na may Twitter handle na @EddieDhandsome nag-tweet ng hindi maganda tungkol sa kanyang ina.

Aniya, “Hoi plastic, mamatay na daw nanay mo bago mag mothers day.. kaya makaawa ka na sa kaplastikan mo.”


Apektado si Angeline sa nasabing tweet. Sagot niya sa netizen, “Hindi mo alam ang epekto nito sa akin.

“Sana ako na lang ang winish mong mamatay. Hindi ang Mama Ko.

“Walang kasalanan ang Nanay ko sayo. Sana makilala kita Eddie. Sana makapagharap tayo. Sana magpakita ka sa akin.”

Kaagad namang dinepensahan ng Broadway star na si Lea Salonga ang Queen of Teleserye Theme Songs.

Ayon kay Lea, mga duwag ang taong nananakot sa social media.

Aniya, “One, ang punong walang bunga ay hindi binabato. Two, ang mga gumagawa ng ganoon ay duwag.

"Wala siyang tapang na magpakita sa iyo. Hanggang sa Twitter lang ang kanyang lakas loob.

"Three, mas maraming nagmamahal sa iyo keysa hindi. Magpakatatag lang.”

Nag-ugat ang bashing kay Angeline, pati na ng kapwa ASAP mainstay na si Morissette Amon, nang may isang netizen na nag-tweet at sinabing diumano'y pinagtatawanan ng dalawa ang nangyaring breakdown ni Sarah Geronimo sa Las Vegas leg ng This I5 Me concert tour nito.

Tinawag pa raw ng dalawa na pabebe ang Popstar Royalty.


Stories We Are Tracking

Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert

Pati ang ina ni Angeline ay idinawit ng mga bashers.

Ipina-blotter ni Angeline ang mga nagbanta sa buhay ng kanyang ina.

Pinag-iisapan na rin nila ni Morissette ang pagsasampa ng reklamo laban sa mga bashers na nagbanta sa buhay ng kani-kanilang kapamilya.


Stories We Are Tracking

Angeline, Morissette mull filing complaint against bashers
Angeline, Morissette mull filing complaint against bashers


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN