James Reid defends getting friends, family members to work on his new song

IMAGE Courtesy: @james on Instagram

Sinagot ni James Reid ang isang basher sa Instagram dahil sa akusasyon nitong umaasa lamang sa kanya ang mga kaibigan ng trabaho. 


May bagong kanta si James Reid na may itulong "16B."

Siya raw mismo ang sumulat nito at hango ang kuwento sa isang malapit na kaibigan.

In-upload niya ang bahagi ng nasabing kanta sa kanyang Instagram account kagabi, May 6.

Sabi ni James sa caption, “16B out now on iTunes AND Spotify!

“Produced my @matolavidesmusic@flipmusicph and myself.

“Y’all should know by now I write my own lyrics and melodies.

“This song was inspired by a close friend. Yes 16B is a place, a place where even the most fiery of souls can get lost in the pretty lights.

"Cover art by the one and only @zonlee #CarelessMusicManila.”

Pero mukhang hindi ito ikinatuwa ng isa niyang follower na may handle name na @loxnarezpalamunin.

Sabi ng netizen sa kanyang komento, mukhang nabigyan na raw ng katuparan ng singer-actor ang kanyang mga kaibigan na magkatrabaho.

Inisa-isa niya ang mga diumano’y nabigyan ni James ng trabaho: ang mga kaibigang sina Justin Valiente, Henzon Lee, Narez La Fuego, at ang mga kapatid na sina Tom Reid at Lauren Reid.

Komento ng netizen, “Nabigyan mo na rin ng katuparan @james ang dream ng mga kaibigan mo like @loxpord na humingi na ng work, oh ayan xa na ang director ng mv mo!

“Oha! Kya dikit ng dikit! C @zonlee nman, f na f na ang cool ng art nya, jusko ang babaduy nman!

“C @narez_ nman anong work ang ibibigay mo @james? PA? Oi bigyan mo nman ng work si @tomdareid especially may bago na nmang palamunin yung jowa nya!

“Bka mas mlakas pa yan lumamon ky ashley, next mv mo, c @tomdareid at jowa na director kc ng-aaral sa cebu dba?

"Pra sulit naman yung pangtuition mo no? Tapos @james will post, IM PROUD OF MY BRO @tomdareid. Binigyan mo na c @laurenreidabook ng break nun, nging cover girl sa lhat ng magazine, yun lang walang bumibili, and ang laki na nyang babae ngayon, khit todo workout, puro walwal nman!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


 

Pinatulan naman siya ng Kapamilya actor.

Ayon kay James, mali ang paratang ng netizen dahil masuwerte siyang may mga kaibigan na talentado.

Aniya, “@loxnarezpalamunin you’re looking at it wrong.

"I’m lucky to be around such talented people and even more lucky to call them friends.

“Can you say you’ve helped your loved ones in a way that allows them to express themselves creatively and made something beautiful together?

"If you don’t like what you hear or see, then DO BETTER. Don’t complain.

“Contribute. Everyone knows hateful opinions don’t get to me.

“If you want to get to me, speak of love and creation.

“If you allow hate to manifest through you that’s all you’ll receive. You gotta give love to get it girl.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN