Gerald Anderson to Bea Alonzo: "You will always be my teenage crush."

IMAGE Instagram / Bernie Franco

Bea Alonzo gets a short but sweet letter from Gerald Anderson. Part of it says, "I will always be your fan and you will always be my teenage crush."


Short but sweet ang letter na ginawa ni Gerald Anderson para kay Bea Alonzo nang mag-guest ang aktres sa episode ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay ngayong Martes, May 8.

Sa maiksing letter, nag-wish ng good luck ang 29-year-old actor kay Bea para sa upcoming movie nito, ang Kasal, na pinagbibidahan din nina Paulo Avelino at Derek Ramsay.

Pinuri ni Gerald ang napapabalitang girlfriend bilang artista.

Sabi pa niya, “I will always be your fan and you will always be my teenage crush.”

Narito ang kabuuan ng sulat ni Gerald:

“Dear Bea, good luck and advanced congratulations for the new movie.

“You’re the most passionate person I know and one of the most hardworking.

“I cherish every moment with you.

“I will always be your fan and you will always be my teenage crush.

“Love, Gerald”

BEA SURPRISED. Nang hingan ng reaksiyon, sinabi ng 30-anyos na aktres, “Nagulat ako siyempre. Nagulantang..."

Dagdag pa ni Bea, “In fairness, maganun siya, mapadala siya ng bulaklak, ma-note, ganyan."

Mensahe niya kay Gerald, “Thank you sa letter and thank you for always being there.”

Kamakailan ay dumaan sa pagsubok ang relasyon ng dalawa nang ma-link si Gerald sa leading lady na si Pia Wurtzbach na nagtambal para sa isang pelikula.

Hindi nagtagal ay sinabi ni Gerald na nagkaayos na sila ni Bea at nagkaroon lang sila ng misunderstanding.

Pero may mga usap-usapan muli na nagkakalabuan ulit ang dalawa.


Stories We Are Tracking

Bea Alonzo unfollows Gerald and Pia on Instagram
Bea Alonzo unfollows Gerald and Pia on Instagram
Pia, Marlon still sweet amid issue with Gerald, Bea
Pia, Marlon still sweet amid issue with Gerald, Bea
Bea follows Gerald on IG after rumored breakup
Bea follows Gerald on IG after rumored breakup
Gerald and Bea settle
Gerald and Bea settle "simple misunderstanding"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN