Gary Valenciano "getting better" after open heart surgery

IMAGE Courtesy: @garyvalenciano on Instagram

Nagpapagaling na ngayon si Mr. Pure Energy Gary Valenciano matapos siyang sumailalim sa matagumpay na open heart surgery noong Linggo, May 6. 


Maayos na raw ang kalagayan ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano matapos itong sumailalim sa open heart surgery noong nakaraang Linggo, May 6.

Sa pamamagitan ng isang video sa Instagram, ibinahagi ng singer ang kanyang kundisyon sa ngayon.

Makikita naman na nasa hospital bed pa ang 53-year-old performer.

Mensahe niya, “Hi everyone, I’m okay. I’m here in the hospital pa rin, recuperating.

"I did have a major bypass. But I’m getting better, day by day.

"And one of these days, babalik din ako sa ASAP, babalik din ako sa Your Face Sounds Familiar, and 'Tawag ng Tanghalan.'

"Paminsan-minsan, siguro mag-a-absent pa rin ako just to make sure that I'm in good shape.

"But the doctors are very satisfied with all how it turned out.

“My heart is actually in very good condition, dun lang, dun lang sa isang part na medyo delikado talaga."

Patuloy ni Gary, “But I'm here, I'm okay, I love you all.

"And I'm thankful that God has given me so many people that have shared their love with me and I will see you soon.

“Don’t worry na, I’ll be okay. Pure Energy uli. God bless.”

Sa caption, pinasalamatan naman ni Gary ang lahat ng nagdasal para sa kanyang kaligtasan.

“Still some way to go 'til I get back to tip top shape.

"To all who have prayed for me I thank you from the bottom of this new heart of mine.

"God bless you you more. Ok time for me to rest again k? I♥?U” saad pa niya.

Bumuhos naman agad ang mensahe ng pagmamahal mula sa mga kasamahan ni Gary sa industriya at ng kanyang pamilya:













Stories We Are Tracking

Gary V undergoes heart surgery
Gary V undergoes heart surgery
Get-well-soon messages from colleagues flood in for Gary V.
Get-well-soon messages from colleagues flood in for Gary V.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN